Heto ako ngayon nagbabaka sakaling ma basa mo man lang ang mga tula kong handog sayo, na kahit dito man lang maipapadama ko sayo ang pagmamahal kong purong-puro, hindi man ito kasing puti ng skin while, dahil ikaw lang ang nag-iisa kong snow white, hindi man ito kasing linaw ng crystal clear, pero sisiguraduhin ko sayo na kahit hukayin mo pa tong puso ko'y ikaw lang ang sinisigaw nito.Ikaw na ang gusto ko simula palang, simula palang nang araw ko. Ang pag litaw ng araw at ang pag tik-tilaok ng manok ay nag sasabi saking hoy! Gumising kana, oras na para makita mo na ang taong pinaka hinihintay mo, ang magpapasaya sayo at mag tetext ng mahal sabay na tayo at sasagot naman ako ng sige susunduin kita sa inyo.
Magkahawak kamay tayong maglalakad na parang lumilipad kana sa alapaap, dinadala ka sa langit dahil ang iyong kaharap ay angel na napadpad lang dito sa lupa para sunduin ka at sabihing hoy! Gumising kana, kukunin na kita.
Hahahah! Ako nga pala si kamatayan, ang iyong sundo 24hrs. Unlimited lang daw back in fort habang hindi pa lumulubog ang araw...
Echoss lang, pero alam mo sana sinundo mo nalang ako. Dahil gusto ko kapag ako'y namatay, kahit ngayon mismo sa harap mo, okay lang, okay lang talaga, dahil sa wakas isang araw kitang kasama, isang araw na ako'y lumigaya, isang araw na minahal kita, isang araw na tayo lang dalawa, isang araw na ikaw at ako, isang araw na walang humuhusga sa ating pagkatao, isang araw na ngiti mo lang ang aking nakikita, akap-akap kita na parabang ayaw na kitang mawala pa. Dahil kapag nawala ka, hindi ko makakaya.
Alam mo ini-isip ko sana isang araw mag karoon naman ng tayo, yung totoo, yung hindi ko lang basta pantasya sayo, kasi mahal na mahal kita. Hindi mo man yun napapansin pero, ito lang ako eh, walang maipagmamalaki na kayamanan pero, mamahalin ka naman ng walang hanggan.
Salamat sa saya, sa ngiti, sa tamis, sa pait, sa hapdi, sa saglit, sa sakit.
Salamat sa saya, sa ngiti, sa tamis, sa pait, sa hapdi, sa saglit, sa sakit.
Salamat sa saya, sa ngiti, sa tamis, sa pait, sa hapdi, sa saglit, at sa sakit.
At salamat sa isang araw na naniwala ako na may ikaw at ako hanggang dulo.
________________________
Thanks for reading!😊PLAGIARISM IS A CRIME!
Xoxo