Chapter 4: Expect the Unexpected =)

228 11 7
                                    

[Mik-mik's POV]

Hay.... Loves na loves talaga ako ni Kupido. Lagi kasi kami pinagtatagpo ni Gia.

Ano pakialam ko kay Gia?

Well, siya lang naman ang lagi kong ini-stalk simula pa noong Grade 1 kami. Oo, magkakilala kami simula pa noon..... este......

ako lang pala ang may kilala sa kanya. Ako ay di niya kilala. Hindi ko nga alam kung alam niyang nag-eexist ang isang Michael Gonzales eh. 

Simula pa noong grade 1 kami, siya na ang first honor. Talino niya eh. Hindi lang siya matalino, mabait, friendly, matulungin at sobrang ganda niya pa.

Hindi ko lang alam kung alam niyang maganda siya. Siya kasi yung babaeng kahit bagong gising at gulo-gulo pa ang buhok ay maganda pa rin.

Section 1 siya, samantalang ako section 4. Hindi kasi ako ganoon katalino eh.... este.....

noong nagpaulan si God ng katalinuhan, nakalimutan kong lumabas sa C.R. Kaya ayan, section 4 ang narating. Hindi man kami pareho ng section, hindi ko siya kinakalimutang alagaan, in a way na pag-stalk sa kanya.

Noon, ako lang ang nakakakita ng tunay niyang kagandahan. Gustong-gusto ko siyang maging kaibigan. Kaso natakot ako na habang lumalaki kami ay paganda siya nang paganda kaya ayun, marami na ang nagkakagusto rin sa kanya. 

#THROWBACK

Lagi siyang binubully ng 2nd honor namin noong grade 1 kami. Maraming alipores yung 2nd honor namin na akala mo maganda..... eh hindi naman.

"Leave me alone! Leave me alone!.....huhuhu." Nakita ko si Gia na tinulak nung 2nd honor namin sa sahig ng hallway.

"'Yan ang dapat sa'yo... Lagi ka kasi pabida kay teacher..... at

 

... at akin lang si Mikmik!"

Nakita kong nagulat si Gia sa pagkakasabi niya. 

Bakit kaya? May gusto ba siya sa akin o --? 

Napatigil ako sa pag-iisip nang maalala ko ang mga sinabi niya...

"What are you talking about? Who is he? I don't even know him!" Sigaw ni Gia..

Ouch!

Pero kahit ganoon ang narinig ko sa kaniya, hindi pa rin ako nag-alangang lumapit sa kaniya upang ipagtanggol siya.

"LEAVE HER ALONE!" Hinarang ko ang katawan ko sa pagitan ni Gia at nung 2nd honor namin.

Walang sinabi yung 2nd honor namin pati yung mga alipores niya, kundi umiyak sila at lumayo na.

"Thank you..." Natigilan ako bigla,  kasi si Gia, yung crush ko..... sinabihan ako ng 'Thank you'.

Kay sarap ng feeling!

"Y-you're W-welcome." I said shyly.

Bow and ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon