Chapter 11: Girls' day out

143 8 2
                                    

[Gia's POV]

Walanjo! Ang aga-aga akong ginising ng baliw kong kapatid. Nakakainis siya. Baliw na nga, makulit pa.

Binuhusan kasi ako ng malamig na tubig na puno ng ice. Ang sama no'. Hahabulin ko na sana nang kumaripas na siya ng takbo. 

Sinubukan kong matulog uli kaso basa na yung kama ko at napapiligiran pa ako ng ice. Nakakabad-trip naman 'tong kapatid ko.

Hindi na rin ako nakatulog dahil naalala ko yung sinabi ni Mama kahapon.

Oo nga pala 'no. Kailangan kong bumili ng bagong dress. And Well, hindi naman ako Fashionista. Anong dress naman bibilhin ko?

Hala! Kailangan ko ng tulong dahil hindi naman ako mahilig sa mga damit at accessories.

Ite-text ko na lang yung dalawa kong bestfriends at sinabi ko din kung bakit ko kailangan ng dress.

Pumayag naman silang dalawa basta ako daw ang manlilibre ng pagkain. Talaga naman, may pagka-PG kasi yung mga 'yun kaya goodluck naman sakin kung ililibre ko sila.

Bumangon na ako at mabilis na naligo. 11:00 kasi kami magkikita-kita sa mall. Eh, 9:30 na ako nagising.

Pinalinis ko na kay manang yung mga ice doon sa kama ko. Kaya ayan, wala na tuloy akong higaan mamayang gabi dahil itatapat pa daw nila sa araw para matuyo. Nakakainis kasi 'yung mokong na gumawa nun eh. Masumbong nga mamaya kay mommy para mapagalitan! Bwahaha.

Nagbihis na rin ako at sinuot na ang aking salamin. Pagkababa ko naman, ayun ang mokong tawa pa rin ng tawa.

Sana di siya makahinga kakatawa.

Inirapan ko na ang loko at umupo na sa harap ng mesa. Nagugutom na ako kanina pa eh, kaya ayan, mala-wolverine ang dating ko sa hapag-kainan. Kuha nito, kain nito. Nagkamay lang ako kumain para mabilis ko lang kunin lahat ng gusto ko. 

Tinawanan na naman ako ng kapatid kong loko-loko. Tinignan ko lang siya ng masama para tumahimik na. Hmp, pasalamat siya, mabait ang kapatid niya.

Nagpahatid na ako sa driver namin at hinintay sila sa harap ng department store. 

Ang tagal naman nung mga 'yun. Mag-30 minutes na ako nakatayo dito pero wala pa rin sila. Nagmadali pa naman akong pumunta kasi akala ko late na ako. 'Yun pala, sila yung late. 

Finally, after 12345 years. Dumating na rin sila. At aba, naglalakad sila na parang nasa buwan sila. Parang fini-feel nila ang aircon dito sa mall. Lumapit na sila sa akin at ang mukha ng mga bruha, kung makangiti eh, akala mo end of the world na. Wagas kung wagas.

"Oh, ano nginingiti-ngiti niyo diyan?" Tinaasan ko sila ng kilay. Ang weird kasi ng ngiti nila eh.

Bigla akong kinabahan. Bumilis yung tibok ng puso ko na akala mo ay may kabayo na humahabol sa akin. Hindi nila ako sinagot at mas lumawak pa yung ngiti nila. Bakit kaya?

"Oi, ano yang mga ngiti na 'yan? Tigilan niyo na nga. Natatakot na ako eh." Lumapit sila kaya napaatras ako. Oh no! Nahihiwagaan ako sa pinaggagawa nila. Lumapit pa sila at yinakap ako ng mahigpit. See, kung kayo ba naman ang nasa kalagayan ko, paniguradong mawi-weirduhan din kayo sa pinaggagawa nila.

Ilang weeks pa lang kami magkakakilala pero tinuturing nila ako na parang matagal na kami magkakakilala.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Yung ibang tao na dumadaan ay napapatingin na sa amin. Marahan na tinanggal ko yung pagkakayakap nila sa akin.

"Uhmm, ano meron?" Nagtatakang tanong ko sa kanila na ikinatawa naman nila. 

"Pumayag na si Mommy. Mag-sleepover kayo sa house namin." Sabi ni Chelsea sa akin.

Bow and ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon