Chapter 12: Everyone's acting Weird

126 8 6
                                    

[Gia's POV]

Hmm, heto ako ngayon, nakatakip ang dalawa kong kamay sa tenga ko.

Paano ba naman kasi, si Daddy, sigaw nang sigaw sa kausap niya sa phone tapos si Mommy naman may kausap din sa phone niya and heto kami ngayon, na-stuck sa kahabaan ng EDSA. Letchugas na traffic to oh!

Bet ko, puro business na naman yung topic nila sa phone. Na-iistress ako sa kanila. Hay, ang haba pa naman ng traffic. Ang tagal ko pang magtitiis.

Finally after an hour ay dumating na rin kami sa venue. Sa harap ng isang malaking bahay kami napadpad. Hindi ko nga alam kung anong meron eh. Basta sunod ng sunod na lang ako sa kanila.

Nakita ko doon sa malaking arko doon sa gate, yung family name yata ng may-ari ng bahay. 'Lopez' daw. Pumasok kaagad si mommy at daddy sa loob kaya sumunod na lang ako.

Huwaw! Kaylaki din nitong bahay. Madaming jars at paintings. Woow! Shining shimmering splendid ang dating.

Dumiretso kami sa garden kung saan yung totoong venue. Maraming tables and chairs na nakakalat sa buong garden. May mini stage sa gitna tapos sa bandang right side ay yung malaking pool. Sa left side naman ay yung hilera ng mga pagkain. Madami ding waiters na pakalat-kalat. 

Nakita ko sila doon sa bandang gitna. May mga niyakap si mommy na mga babae na ka-age rin yata niya. Sabi niya mga 'Amiga' daw niya 'yun. Si daddy naman ay nakikipag-kamay sa mga lalaki doon.

Wala na akong magawa kaya pinagbigyan ko na lang yung tiyan kong kanina pa nagro-roar. Pumunta ako doon sa row ng mga pagkain at tumabi doon sa chocolate fountain. Kain lang ako ng kain ng mallows at strawberries at saka itinatapat doon sa chocolate fountain. Nandito lang ako sa gilid nang hinila ako ni mommy papalapit doon sa mag-asawa na siguro nasa late 40's na.

Puro naka-formal wear dito at puro nasa 30's at 40's lang yung madalas mong makikita. Pero mayroon ding mga teenagers at yung iba siguro nasa 20's na.

  "Gia, I want you to meet Mr. and Mrs. Lopez, the owner of this house and your soon---" Naputol na yung sasabihin ni mommy nang biglang nagsalita si dad.

"Uhmm, It's time, honey." Sabi ni daddy kay mommy kaya napatingin ako sa kanila.

Nagulat na lang ako nang bigla akong niyakap ni Mrs. Lopez. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang halikan pa niya ako sa pisngi.

"You're so gorgeous, hija. It's nice to see you." Humiwalay na ako sa pagkakayakap namin kasi nahihiya na ako sa kanila.

Ewan ko ba, pero parang may mali eh. Parang iba yung kutob ko sa mga 'to. Parang may mangyayaring hindi maganda. Hay ewan. Bahala na si Batman.

"Thank you Mrs. Lopez. It's nice to see you too." Ngumiti na lang ako sa kanila pero deep inside, naloloka na ako.

"Oh, cut the formality, Gia. Call me Tita Dina or if you want, you call me m---" Napatigil siya bigla nang siniko siya ni Mr. Lopez. Pero mahina lang.

Lumawak pa yung ngiti ko nang nakita ko yung ginawa ni Mr. Lopez. Ang cute kasi nila tignan eh, parang mga bata na nagsisikuan. Tinignan lang siya ni Mrs. Lopez nang masama.

"Don't mind us, hija. You can also call me Tito James. I really like you." Okay na sana eh, kaso nagulat ako nung sinabi niya yung last sentence. What does he mean, anyway? Ngumiti na lang ako.

Bow and ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon