Prolouge

118 9 0
                                    

Stephen's POV

Ginising ako ng isang nakakarinding tunog ng cellphone kong kanina pa may tumatawag. Da*n! May book signing nga pala ako ngayon! Patay! Agad kong kinuha ang cellphone kong nasa ilalim ng unan ko.

"Hello?! ...Yes! I'm sorry...Yeah yeah, papunta na ako...Ok." That's Casy, at binubungangaan na naman niya ako dahil I'm almost late na sa book signing na yon. Mabilis ang naging kilaos ko kaya't pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako para magpaalam kay mama.

"Ma! Alis na po ako." Sabi ko sabay halik sa kanyang pisngi. Oo close kami ni mama, hindi naman siguro masama na ituring mong best friend ang iyong ina. "O siya sige! Basta kumain ka doon ha! Mag-iingat ka." Saad ni mama. "Opo ma!" Pagkatapos noon ay nagmadali na akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot papunta sa mall kung saan gaganapin ang book signing. Madali lang naman akong nakapunta sa mall, agad akong pumasok at dumeretso sa back stage, ito ang unang book signing na gagawin ko, matagal na akong kinukulit ni Casy tungkol dito pero ngayon ko lang siya pinagbigyan, kaya di na ako nagtataka kung bakit ang daming tao ngayon.

Bago pa man magsimula ang book signing sinuot ko na ang mask at jacket ko. Ayoko talaga sa mga ganto, ayoko ng maraming nakakakilala sa akin. Hindi din naman nagtagal ang paghihintay ko miya-miya pa ay tinawag na ako at pinlabas na mula sa back stage.... Nakakabinging sigawan ang sumalubong sa akin. Nagsimula na akong pumirma ng mga libro, may ilang nagsasabing tanggalin ko daw ang mask ko pero hindi ko ito ginawa, matagal din ang book signing kaya naman noong nakita kong malapit na ang dulo ng pila ay binilisan ko na ang pagpirma at pag dating sa huling nagpapa-sign ay...

"Mr.Author, pakibilisan ang pagpirma, may pangiti-ngiti ka pa diyan. Konting bilis naman at ibabalot ko pa yan at ireregalo ko sa best friend kong fan na fan mo." Na naging dahilan ng pag tingin ko sa kanya na kinakunot naman ng noo niya."Ayy ang bingi naman nito,bakit ba kasi patay na patay dito si Gia eh napaka pa-mystyrious naman, kala mo kinagwapo niya yung mask niya? Nek-nek niya."
Narinig kong binulong niya. Kaya naman napatayo ako, sabay bigay sa kanya ng libro."Ayan na miss, sa susunod kung pipintasan mo ako dapat yung hindi ko naririnig ha." Sarkastiko kong saad sa kanya."Bakit? May pangalan ba akong binanggit ha? Napaka affected mo naman. Alam mo kasi hindi lahat ng parinig para sa'yo kaya huwag mong akinin lahat, magtira ka para sa iba.Yan kasi problema sa ibang mga tao eh, porket sinabihan lang ng mabubulaklak na salita mahal na agad iiwan na yung taong nauna niyang minahal." Kalamado ngunit mahahalata mong naiinis na ang isang 'to." Hoy miss, ibahin mo ako dun sa kung sinuman yan at kung anumang koneksyon nyo dahil wala akong pake dun miss, at isa pa walang konek yan mga hinuhugot mo sa pagsusungit mo." Naiinis kong sabi sa kanya." Pake mo ba? Mina yang libro, sayang oras ko sa'yo eh." Sabay hablot sa librong hawak ko. Pagkatapos noon ay tinalikuran niya ako at naglakad na siya palayo...

May isa lang akong na-realize habang naglalakad siya palayo.

I need to know whose that mysterious lady,  I'm curious about her personality...

Itutuloy...


That Mysterious Author Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon