Chapter 6- Reason

25 7 2
                                    

Alex' POV

Pagkarating ko sa ospital agad kong pinarada ang kotse ko at nagtungo sa room kung nasaan siya.

Kumatok muna ako at saka tuluyang binuksan ang pintuan. Nadatnan ko siyang natutulog at binabantayan naman siya ni Janine. Nakita ako ni Jane kaya't agad siyang lumapit sakin ng may ngiti sa kanyang mga labi at niyakap ako. Hinayan ko lang iyang yakapin ako hanggang magsawa na siya. Naramdamin niya sigurong naiilang ako sa ginagawa niya.Yung totoo? Di'ba siya niyayakap ng boyfriend niya?-_-

"Kamusta si Tita? Kelan daw siya magigising, Janine?" Wika ko." Hindi pa din ate eh, ni improvements nga walang nakikita sa katawan niya eh. Sige ate,iwan muna kita dito,bibili lang ako ng makakain natin."sagot niya sa akin."O sige"tugon ko.



Pagkatapos kong sabihin iyon ay umalis na siya kaya't lumapit na ako kay tita. Si tita Veronica, ang rason kung bakit ako nagtatrabaho ngayon. Hindi ki na sana dapat ito ginagawa kundi lang galit ang parents ko kila Tita Veronica. At dahil yun kay Uncle Philip, yung inggiterong yun. Nagawa niyang siraan si Tita sa parents ko para lang magalit sila kay tita at alisin siya sa kompanya namin. How pathetic of him?!

Mag-iisang taon ng comatose si tita,kaya't paubos na din ang perang naipon niya sa bangko dahil sa bills dito. Hindi din sapat ang kinikita ni Janine para sa pambayad sa ospital kaya't nagdecide akong magtrabaho ng hindi alam ng parents ko, and since bakasyon naman ngayon kaya hindi sila magdududa. Graduating na 'ko sa kursong engineering sa darating na sem. Tiyak kasi na pagka kumyha ako ng malaking pera sa bank account ko ay sisitahin nila 'ko.

Kaya naisipan kong lapitan si ate Casy. Nagpahanap ako ng trabaho sa kanya at binigyan naman niya ako. Mabait sakin si ate Casy dahil  tuwing magpupunta kami noon ni Blaster sa kompanya nila ay doon kami laging pumupunta kay atr Casy, magpinsan kasi sila ni Blaster kaya napalapit ba din ako sa kanya. Alam na din niya ang nangyari samin ni Blaster at hanggang pero hanggang ngayon pinipilit niya pa din kami para sa isa't isa.

"Tita, kelan ka ba magigising? Tita naman eh... Alam mo namang bukod kay mommy ehh sa'yo lang ako nagiging komprtable. Sa'yo ko lang napapakita yung totoong Alexa. Tita, gumising ka na please. I miss you so much. Ang dami dami kong ikukwento sa'yo pagkagising mo. Sisimulan ko dun sa bwisit na Blaster na yun. Maling mali pala tita, maling mali na munahal ko siya noon." Pinahid ko ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa mga mata ko. Bukod kay mommy, isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Sa kanya ako nakakapagsabi ng mga bagay na hindi ko nasasabi sa iba... sila ang nakakaalam na sa likod ng malakas at mataray na Alexa ay isang mahina at iyakin pagdating sa mga problemang kinakaharap niya. "Alam mo ba tita,nagtrabaho ako para sayo alam kong magagalit ka pero gusto ko ehhh... Para matulungan kita. Pero wag kang mag-alala tita pag nagising ka na hihinto na din ako baka kasi mapagalitan mo pa ako eh." Pagpapatuloy ko. Mahina akong humihikbi hanggang sa marinig kong bumukas ang pintuan kaya't pinahid ko ang aking mga luha at tiningnan kung sino ang iniluwa ng pinto.

"Ate, kumain ka muna. Bumili ako ng pagkain para sa'yo."malambing na wika ni Janine, sana lang huwag masaktan si Janine para hindi magbago ang pagiging malambing niya. Naalala ko tuloy ang dating ako. "Hindi na, Janine. Uuwi na din ako baka hinahanap na ako dun eh."Pagtanggi ko sa kanya."okay ate. Ingat ka!" Malambinf niyang bilin."Sige, mag-ingat ka din." Tugon ko sa kanya.

Naglakad na ako papuntang pintuan at akmang lalabas na ng marinig ang huling sinabi ni Janine tungkol sakin. "Sana bumalik na yung dating sweet kong ate Alex." Halata ang lungkot sa mga wika niya. Tuluyan ko ng nilisan ang kwarto ni tita at naglakad papuntang parking lot.


Hindi na siya babalik ulit, Janine. Kasi ayoko ng magmahal...


Itutuloy...



That Mysterious Author Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon