chapter 5-P.A (part 2)

27 7 0
                                    

Alex's POV

Nabigla ako ng makita kung sino ang iniluwa ng pintuan ni Ate Casy. Yung bakulaw pala na si Stephen, huh?! May pa-mask mask pa siyang nalalaman ha pero kapag pumupunta siya sa public places ehhh kulang na lang eh maging topless at ipaglantaran yung magandang hubog ng katawan niya... teka bakit ko ba siya pinupuri ha? Hayyyy never mind that Alexa!

Pagkatapos niyang tumunganga sa pintong yun at tapusin ang pagtitig sa kinaroroonan namin ni Ate Casy ay lumapit na siya samin at nagsalita..."Hey Casy, siya ba yung p.a ko?"sabi niya habang nakatingin sakin. What?! Siya yun? Ako ang magiging p.a niya? Mukhang mali yata si Ate Casy sa pag dedescribe sa kanya... Ang sabi niya kasi humble daw tapos gwapo,misteryoso,mabait,mayaman... eh mukhang isa lang yata ang tama doon ehh, yung pagiging mayaman niya. "Yes Stephen, siya nga. So I hope na magkasundo kayong dalawa, be kind dear Alex ok? And specially you Stephen. So starting tomorrow ang photo shoot ni Stephen so Alexa, aasahin kita bukas ha... 6 a.m ay dapat nandito na kaya magready ka na for your first day tomorrow." Nakangiting sambit ni Ate Casy. "Okay Ate." Tugon ko sa kanya. Pagkatapos kong sabihin yon ay tumunong ang cellphone ni Ate Casy. "Excuse me, I'll just answer this call." Saad niya." Sure, go ahead ate." Wika ko sa kanya, kaya naman lumabas na siya ng opisina at naiwan kami dito ng bakulaw na'to.

"Hi there!" Nakangiting wika ng lalaking ngayon ay nasa tabi ko na. Tinignan ko lang siya ng saglit at saka kinuha ang cellphone kong nasa bag ko at pinagtuunan yon ng pansin imbes na kausapin ang bakulaw na'to." Ibang klase, paanong ang isang p.a ehhh makakabili ng pinaka latest at pinaka mahal na brand ng cellphone? Yung totoo?" Sabi niyang muli kaya't napatingin ako sa kanya." It's none of your business sir, at huwag mo din maliitin ang kakayahan ng mga  may trabahong ganito. Tyaka kung gusto mo talaga malaman edi sana hindi ka na nag-publish ng story, nag-apply ka nalang na p.a ng mga artista,  businessman, o kung sino pa man." Sarkastiko kong saad. "Grabe, di ka na nga nag-thank you sa pagyakap at pagcomfort ko sa'yo nung gabing yun tapos ngayon tatarayan mo pa ako? Ibang klase ka din talaga eh noh" halata mo ang pagkainis sa mga salita niya."Sinabi ko ba kasing yakapin mo'ko?" Sagot ko sa kanya."Sinabi ko din bang yakapin mo'ko pabalik? Pwede mo naman akong itulak di'ba?" Sagot niya ng naka-ngisi pa. Bwisit talaga itong isang 'to. Sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Ate Casy. "Hey guys, pwede na kayong umuwi basta maaga pa tayo bukas ha?! I'll go ahead na din, may meeting pa ako eh." Sabi ni Ate Casy sabay kuha sa bag niya at hinintay kaming lumabas. Kaya't sinukbit ko na ulit ang sling bag ko sa balikat ko at nagpaalam na kay Ate." Sige ate bukas na lang. Salamat ulit."  Pasasalamat ko sa kanya. "Always welcome dear, alam mo namang malakas kayo sakin ni Blaster" sabi niya sabay kindat. Si Blaster na naman."Ate walang kami noh! Tyaka kailan man hindi magiging kami." Pagtatama ko sa mga sinasabi niya. "O sige sabi mo eh. Ingat ka sa pag-uwi ha." Sabi niya."Sige ate,ikaw din." Tugon ko sa sinabi niya. Tyaka naglakad na palabas ng building na 'to, at habang palabas na'ko ay may sumabay sakin sa paglalakad. "Sabay ka na sakin."Kainis talaga itong bakulaw na'to."May kotse ako." Tipid kong sagot sa kanya. "Ibang klase,ngayon lang ako nakakita ng p.a na maybkotse, may mamahaling cellphone, branded bags at damit." Sabi niya ng naiiling pa. Hindi ko na sinagot ang pagpuna niya sakin. "Seriously... Bakit ka nag-apply na p.a ehhh mayaman ka naman?" Ang kulit nito!"Gaya ng sabi ko kanina, it's none of your business. So please, lubayan mo na ako at pumunta ka na sa pupuntahan mo dahil may pupuntahan din ako." Saad ko saby lakad palayo sa kanya.

Nakarating ako sa parking lot at mabilis na sumakay sa kotse ko para puntahan siya.

Sa totoo lang hindi na dapat niyang alamin pa kung bakit ako nag-apply na p.a.... Di na niya dapat malaman yun. Sa dinami-dami ba naman ng authors dito sa publishing na'to bakit siya pa? Kung hindi lang talaga kailangan, hindi ko talaga ito gagawin.

Itutuloy...

That Mysterious Author Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon