Chapter 2-Stephen's POV

38 8 0
                                    

Stephen's POV

Grabe! Nakakapagod ang araw na 'to, idagdag mo pa yung babaeng mataray na yun...Sino kaya siya? Bakit parang sa tingin ko eh ang dami niyang problema? Bakit parang gusto ko siyang tulungan? Bakit pa--- Ay bastos 'tong cellphone ko! Nagmumuni-muni ako biglang may magtetext.

Kinuha ko ang phone kong bulsa ko at inihibto ko muna ang sasakyan ko at binasa ang text message ni mama.

1 new message: Mama

Anak,alam kong pagod ka pero, pinapapunta ka ng papa mo sa debut ng anak ng business partner  natin, hindi daw siya makakapunta kasi na-move yung business trip niya eh, sorry anak ha, umuwi ka na, nandito na yung susuotin mo para sa debut na 'yun. Ingat nak.

Hay, ang hirap maging anak ng isang business man, ako ang sumasalo ng hindi niya kayang puntahan eh, hindi iniisip kung wala ba akong ibang gagawin.

Hindi ko na nireplyan si mama dahil malapit na din naman ako sa bahay kaya binilisan ko nalang ang pagmamaneho.

Mabilis lang ang naging byahe ko, dumiretso na din ako sa kwarto ko at nagbihis dahil wala naman sa bahay si mama , pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako at nagmaneho papunta sa venue kung saan gaganapin ang debut.

Nang makapasok ako sa loob ng venue, hindi na ako nagulat kung bakit ang ganda dito, dahil mayayaman talaga ang mga nagiging business partners ni papa, habang hindi pa nag-uumpisa ang debut ay napagpasyahan kong maglibot-libot muna.

Hanggang sa may makita akong babaeng tumatakbo habang umiiyak....Siya yun...Siya yung babae kanina sa book signing...

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero nung malapit na siya sakin ay niyakap ko siya....Nagulat ako nung hindi niya ako itinulak palayo kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung magalit man siya sakin pagkatapos nito pero gusto ko lang na mapagaan yung loob niya, at alam kong kailangan niya ng masasandalan sa mga oras na 'to.

Itutuloy...

That Mysterious Author Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon