chapter 3-takbo

40 8 0
                                    

Alex' POV

Hanggang ngayon ay magkayakap pa din kami ng lalaking 'to...

Nakakainis lagi na lang akong ganito. Lagi ko na lang tinatakbuhan si Blaster, ayoko na kasing pakinggan yung mga walang kwenta niyang paliwanag. Alam ko naman na yung dahilan eh. Hindi niya talaga ako mahal kaya siya umalis ng hindi nagpapaalam. Ang sakit. Sobrang sakit pa din hanggang ngayon. Hindi ko na siya mahal ngayon. Pero hindi ko pa din siya mapatawad. Para bang yung pagmamahal ko sa kanya napalitan na ng galit. Akala ko sa loob ng dalawang taon, kasabay ng pagkawala ng pagmamahal ko sa kanya ehh siya ding pagpapatawad ko sa kanya.. Pero hindi, nawala yung nararamdaman kong pagmamahal pero lumaki uung galit sa puso ko... At sa tuwing nakikita ko siya, bumabalik yung sakit.

Flashback 2 years ago...

"Sagutin mo yung tawag Blaster!"singhal ko. Hayy! Ano ba naman yan, kanina ko pa tinatawagan si Blaster pero di naman niya sinasagot, baka kung ano ng nangyari dun! Hindi pwede! Ngayon ko pa nga lang diya sasagutin eh! Magpapakasal pa kaya kami kaya hindi siya pwedeng mamatay! Hayyy nag-aalala na talaga ako.

Matagal na ding nanliligaw sa akin si Blaster Matthew Enriquez. Yes! Si Blaster, si Blaster na anak ng may ari ng Enriquez Publishing. Magbestfriend kami no Blaster mga bata pa lang kami kaya ok lang kila papa na maging kami kahit 18 pa lang ako. At besides business partners ang papa ko at ang daddy ni Blaster kaya botong-boto sila samin. Pero yung mommy ni Blaster ayaw muna siyang papasukin sa relationship lalo na kung taga dito sa Pilipinas. Kasi ang gusto ng mommy niya ay doon pag-aralin si Blaster sa Canada... Pero syempre hindi pumayag si Blaster sabi pa nga niya eh"mahal kita kaya ipaglalaban kita hanggang dulo."shems! Kinikilig ako sa tuwing naaalala ko yun, kaya tiwalang tiwala ako sa kanya na di niya ako iiwan, na hindi niya susundin ang mama niya. Kasi nga ipaglalaban niya ko dahil mahal niya ako...

Bahala na ayaw niya sagutin ehh, pupuntahan ko na lang siya sa bahay nila.

Nagmadali akong pumunta kila Blaster at pinagbuksan naman agad ako ng katulong nila. "Hi manang! Si Blaster po? Nandyan po ba? Pakitawag naman po! Or ako nalang po tatawag sa kanya kung busy po kayo, sige po papa sok na ak--" excited kong sabi pero nagsalita agad si manang."ma'am Alex, umalis na po si sir Blaster ehh, kaninang umaga pa po, pupunta na po siyang Canada, di niya po ba nasabi sa inyo?" Sabog ba 'tong di manang?" Manang naman ehh, di magandang joke yan, sige na patawag na si Blaster di yun aalis noh! Kasi nagpromise siya sakin na ipaglal--" "ma'am, nagsasabi po ako ng totoo, kung gusto niyo po tanungin mo pa ang daddy niya" "ayy huwag na po manang, sige po salamat sa impormasyon, ingat po kayo." Pagkatapos kong sabihin yun ay tumalikod ako sabay ng pagpatak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit? Bakit niya nagawa sakin yon? Akala ko ba mahal niya ko? Akala ko ba ipaglalaban niya ko? Puro lang siya salita! Akala ko lang pala yon...

End of flashback...

"Miss, ok ka lang ba?" Sira ulo ba to? "May umiiyak bang okay ha?!" Pagsusungit ko sa kanya, hay mali yata ako ng naiyakan."taray talaga, by the way. I'm Stephen, Stephen Alexander Razon." Sabi niya sabay lahad ng lamay"Oh talaga? Sino nagtanong? Sino? Bilis! Sasabunutan ko! Tyaka Mr. Author wala ka naman palang bingot ehh, may pamask mask ka pang nalalaman kanina akala mo naman kinag--" " Alexa! Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." It's Blaster again -_-"sinabi ko ba kasing sundan mo ako? Iniwan na nga kita dun tapos sumunod ka pa... Sa bagay di ka nga pala sanay ng iniiwan kasi nga ikaw yung nang-iiwan diba?"sarkastiko kong sagot sa kanya."Alexa please hayaan mo naman akong mag-explain--" explain daw? Nek-nek mo!"shut up, Blater! I don't wanna hear your explanations or should I say lies?alibi? So please! Leave.me.alone. pwede? Lubayan mo na ko! Hindi na pagmamahal yung nararamdaman ko para sa'yo! Pero meron pa din naman... alam mo kung ano? Galit! Galit na lang Blaster! Kaya layuan mo na ko! Kasi ayoko na ulit ibigay yung pagmamahal ko sa taong di naman deserving mahalin at di naman deserving na pagkatiwalaan!" pagkatapos kong sabihin yun ay tumakbo ako palayo sa kanila...

Itutuloy...

That Mysterious Author Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon