chapter 1-yakap

58 8 0
                                    

Alex' POV

Bwisit na lalaking yun akala niya alam niya kung ano nararamdaman ko?Huh?! Nek-nek niya! Bwiset!!! Bakit ba kasi fan na fan ng lalaking 'to si Gia! Kainis! kung hindi lang talaga dahil sa best friend kong si Gia hindi ko ito gagawin eh! Biruin mo! Napaka daming nagpapapirma sa mokong na yun? Kung alam ko lang na maraming fans yung nek-nek na yun, edi sana inagahan ko! Sana lang hindu traffic ngayon para makaabot ako sa debut ni Gia bago pa yun magsimula.

Dumiretso ako sa isang bookstore at pinabalot ang libro na naging dahilan ng pagka- beast mode ko, pagkatapos kong makapagbayad ay, dumiretso na ako sa sasakyan ko at nagmadaling pumunta sa venue ng debut ni Gia. Sandali lang din ang naging byahe ko dahil mukhang nakikiayon sa akin ang panahon at walang traffic pagkadating ko sa venue, pumasok ako sa room kung saan siya nag-sstay at nagbihis ng pinapasuot niya saking long gown, tss.. Oo dress, kainis, bakit ba kasi bawal magpantalon pag kasali sa cotillion?" Hoy Alexa Jaine Montreal! Lutang ka na naman! Ano na naman bang iniisip mo? Para ka na namang tanga diyan!"Singhal ni Gia aba't binaggit pa talaga buo kong pangalan!"Hoy Giana Elleine Madrigal! Huwag mo akong masinghal-singhalan diyan ha! Napaka haba ng pila dun sa book signing nung mokong na Stephen Alexander Razon na yun ha! At ang yabang pa! Akala siguro niya eh ikinagwapo niya yung mask niya? Nek-nek niya! Kaya huwag mo akong masigaw-sigawan diyan ha, kundi dahil sa'yo di ako pipila doon sa book signing nung bakulaw na yon!"Singhal ko din sa kanya."OMG!!!!!!!! Talaga? Gjnawa mo yun? OMG! Sabi ko na ehh.... Sabi ko na talaga mahal mo ako ehh OMG!!! Thank you!!! Huhuhu I'm so happy na... So nasaan na ba bilis? Patingin ako huhuhu I'm so happy talaga!" Naiiyak na saad niya, ohhkay?! Spell O.A?"Nandun sa bag ko kuhanin mo."Sagot ko sa kanya."Bakit ako ? Dapat ikaw para romantic hihi!"Talaga nga namang!"Hoy babae! May paromaromantic ka pang nalalaman diyan! Ikaw kumuha! Ikaw naman makikinabang eh! Bwiset!"naiirita kong sabi sa kanya. Hayyy bakit ang childish neto?"Hayyy, sige na nga, total di mo naman ako mahal eh"  nakanguso niyang sagot sa akin."Hoy babaita! Huwag mo akong dramahan ha baka mahambalos kita nitong takong na pinasuot mo sa akin, tyaka huwag mo nga akong kulitin pag ako nainis mo talaga! Di ako sasali diyan sa cotillion mo! Bakit ba kasi napaka dami pang arte ehh, may long gown pang nalalaman hay nako talaga!" Singhal kong muli sa kanya. "Tanga ka ba? Saan ka ba nakakita ng cotillion na pantalon ang suot at naka-rubber shoes ha? Nako naman Alex! Umayos-ayos ka nga!" pagtatama niya sa mga sinabi ko."Pake mo ba?Huwag mo na akong kausapin lalo akong nababanas eh.Kunin mo nalang yung libro dun sa bag ko at magbasa ka ng matahimik yang kaluluwa at katawang lupa mo!" Inis na sabi ko sa kanya."Okay! Thank you ulit ha!I love you!"Sabi nya sabay yakap sa akin."Alam mo, pwede magpasalamat ng walang kasamang yakap" sabi ko sabay kalas sa pagkakayakap niya"Bitter mo pa din noh!?Move on din te! Ang tagal nung sa inyo ni Blaster Enriquez...Tyaka nagsisisi na yung tao oh?! Di mo ba nakikita?Araw-araw may rasyon ng bulaklak at chocolates sa bahay niyo tapos bitter ka pa din? Yung totoo? Favorite mo ampalaya?"Nang-uuyam na tanong niya. "Heh! lubayan mo ako sa kaka-Blaster mo ha! Para sabihin ko sa'yo... wala akong pakialam kung maging santo man ang ugali niya! At para sabihin ko din sa'yo wala akong kinain ni isa dun sa mga chocolates na binibigay niya at yung bulaklak ibinibigay ko lang yun kila manang! At FYI hindi ako kumakain ng ampalaya!!!!!!!" Bulyaw ko sa kanya."Okay sabi mo eh! Pero sayang naman yung effort nung tao oh... Patawadin mo na kasi...Ang mahalaga naman bumalik siya diba? At saka every body deserves a second chance nga di'ba?" At eto na naman po kami..." Wala akong pake sa efforts at sa nararamdaman niya, at saka sana bago niya ginawa yun inisip niya yung mararamdaman ko bago siya umalis... Tapos ngayon babalik siya na parang ang bait niya?Na wala siyang nagawa? Oh c'mon!"naiinis kong paliwanag sa kanya."Chill lang, sorry na, sige na magbabasa nalang ako dito." Sabi niya sabay kuha sa librong regalo ko sa kanya. Kaimbyerna naman oh-_- tahimik lang akong naghihintay na magsimula na ang party. Tahimik lang din si Gia na nagbabasa ng libro, ewan ko ba kjng bakit yun lang ang gusto niyang ibigay ko sa kanya....Magsimula na yung party kaya nauna na akong lumabas at binati ko na din ang babaitang ito bago ako lumabas ng room nya, habang nasa loob ako ng venue kung saan gaganapin ang debut ni Gia naglibot-libot ako sa loob nito, halatang mayaman talaga at ginastusan ito ng mga magulang ng debutant. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may makabunggo sa akin dahilan upang mahulog ang sling bag ko...Shemay naman oh! Pupulutin ko na sana yung bag ko pero naunahan na ako ng lalaking nakabunggo sa akin "Sorry mi---Alex? Ang gan---" pinutol ko na ang sasabihin niya at bjnara ko na siya."Salamat sa pag-abot ng bag ko, ok lang yun, sige una na ako djn sa tab---"uso ba magbarahan?-_-"Alex... Please let's talk...Please let me explain, kaya lang naman ako umalis ng walang paal--" di ko na siya pinatapos"Ok lang tapos na ehh, nagawa mo na kaya sana lang wag na natin balikan pa...Pwede ba? At hindi ko kailangan ng explanations mo Blaster! Wala kang dapat i-explain kasi naiintindihan ko, naiintindihan kong iniwan mo ako kasi nga wala ka namang pakialam sa mararamdaman ko, so please Blaster huwag na natin ibalik pa      pwede ba? Excuse me lang" sabay lakad palayo pero hinawakan niya ang braso dahilan para mapatigil ako."Please Alex give me another chance... Hirap na hirap na ako eh" nakita ko ang unti-unting pagtulo ng mga luha  niya..."Kung nahihirapan ka paano pa kaya ako?Paano pa kaya ako nung umalis ka? Kala mo ba madali lang sakin lahat ng yun? Kaya huwag mong isumbat sakin ang nararamdaman mo kasi kahit kailangan di ko sinumbat sa'yo kung anong naramdaman ko!" Sabi ko sabay takbo palayo sa kanya! Nakakainis siya,at ayokong makita niya na umiiyak ako kaya kahit masakit sa paa ang heels na suot ko ay tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa naramdaman ko nalang na may yumayakap sa akin, hindi ko na maaninaw kung sino ang taong toh pero imbes na itulak ko siya ay niyakap ko din siya, wala akong pakialam kung sino man ito basta ang alam ko kailangan ko ng maiiyakan ngayon.

Itutuloy...

That Mysterious Author Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon