D. Say, Goodbye My Friend

2 1 0
                                    




Nung una kong totoong naisip ay "Ahh Gimme a Break"

"Bigla kang pumunta, Nagulat tuloy ako" pinapasok ko siya at umupo siya sa sofa
"Maraming kalat sa lapag, lilinisin ko muna" pinulot ko yung mga can beer sa lapag at tinapos sa basurahan

"Ok lang. Hindi na din naman naiba yan" sabi niya

"Sa tingin mo?"
"Ah, bibili nalang ako ng pagkaing makakain"

"Kumain na ako"

"Ah.." pumunta ako sa kusina at binuksan yung ref
"Gusto mo bang uminom? Kape? Tea?"

"Hindi ba dapat ako pumunta?"

"Ha? Anong sinasabi mo?"
"Syempre hinde, hinding hindi ka pumunta pero hindi na hindi ka pupunta. .. ano?" ano ba tong pinagsasasabi ko? bat ako na-uutal

"Kahit mukhang nakakaistorbo ako sa itsura ng mukha mo...?" kinuha ko yung isang bottled water

"Sinabi ko na sayo diba?"
"Nagulat lang talaga ako" hindi maganda to, ganun ba ako kadali mabasa?

"Sorry, Sorry.."
"Nakakagulat lang Isipin na binisita ako ni Ylona ng sarili niya" sabi ko sabay tawa
"Walang nag-imbita sayo ngayong day-off kaya naboboring ka diba?"

"Hindi naman sa ganon." umupo siya sa sofa
"Pamatay oras lang"
"....Ang weird lang, ngayon ko lang ginawa to"

"Ngayon ginawa? ang alin?" binuksan ko yung bottled water at ininom

"..... Pumunta para makipag hang out?.... sa bahay ng Kaibigan"

"Eh?"

"Pfft.."
"Bakit ganyan mukha mo? Mukha kang tanga"

At sa unang pagkakataon, nakita ko yung mga ngiti niya, ang pagtawa niya.

Ang buong akala ko ay kaya kong itago at kalimutan ang nararamdaman kong to.

Kahit na kaylangan ko lang gawin to dahil ito yung hinihiling mo.


Mahal kita. Kahit ano pang mangyari...








"Ced!!!"

"Oh, Jake. Good Work!"

"Shooting Spring Stuff sa gantong kalamig na panahon ay Nakakainis!! Ang lamig! Hindi ko kaya!!"
"Oh hey,..."
"Sasama kaba kumain kasama ang lahat mamaya  pagkatapos?"

"Ah...Siguro. .?"

"Ced, May plano na kayo ni Ms.Carsino, tama ba?"

"Eh!? Paano mo nalaman!?"

"Kayong dalawang!  sobrang lapit niyo sa isa't isa, iba iba pa naririnig ko sa mga model tungkol sa inyo.."
"Gaya ng 'Ang ganda ni Ms.Carsino' at 'Ang Cute niya ngayon' at iba pa!"

"Hindi ba tungkol lang kay Ylona yun?"

"Meron pa! 'Nitong nakaraang araw nagiging mabait siya' at 'Madali nalang siyang makausap' at 'Nakita ko siyang ngumiti'!!"
"Ced!!"
"Ced.... Tol, Hindi ba masakit?"

"Ba-bakit mo naman natanong yan?"

".... okay lang ba?"

"Okay lang naman. Saka sapat ng matawag niya akong kaibigan niya"
"Nakakainis nga eh, sabi ko tutulungan kita para maging close kay Ylona, pero wala akong nagawa"

"Hindi ko na yun hihilingin pa."
"At pinagsisisihan kong... hiniling ko sayo yun"

"Eh.."

"Bat ba ang bait mo?"
"Iniisip mo yung kapakanan ng iba kahit ikaw.... nasasaktan na."

Say, Goodbye To My FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon