R. Say, Goodbye My Friend

8 1 0
                                    


"Inuman?"

"Yah, Tama. Nitong darating na linggo, lahat ng Stagehands ay mag-iinuma."
"Sumama ka"

"Salamat, Ayoko" sabi niya sabay inom ng tubig na hawak niya

"Wag ka ngang maging cold"
"Hindi kapa sumasama sa mga Group Events natin diba?"
"Pero ngayon, Sinabj ko sa lahat na isasama kita"

"Puwede bang paki iwasan na mangako ka sa iba na nadaramay ako?" napahawak ako sa batok ko

"Kahit ngayon lang, Ylona" pagmamaka-awa ko

"At.."
"Pwede bang itigil mo yung pagtawag sa pangalan ko" sabi niya sabay baba ng basong hawak niya

"Eh-?"
"Pero mag-kaibigan na tayo, at kung gusto mong tumagal tong relasyon na to, mas magandang tawagan natin ang unang nating mga pangalan"
"At.. kalimutan mo na yung pagitan ng edad sa isat isa" panget naman kung tawagin niya akong kuya, tito, lolo

"...tch"

"Ylona--"
"Hayaan mong ipaliwanag ko,"
"Ang pagsama sa inuman kasama ang lahat ay isa sa paraan para matuto kang makisalamuha sa lahat.."
"At dun mo din matututunan kilalanin ang iba, malay mo dun mo pa makita mag mamahal sayo" pabulong kong sabi

"Hindi..."
"Hindi ako interesadong magkaroon ng relastion o ugnayan sa ibang tao"
"At, hindi kita tinuturing na kaibigan ko" sabi niya sabay tumayo sa pagkakaupo

"Ah, Hey!"

"Saka, sana wag mona ako guluhin pag naboboring ka..."
"Mr.Vargas" sabay alis

*Sigh*

Napayuko nalang ako sa lamesa sa sobrang depressed kay Ylona.

Ano naman kasi gagawin ko para mapapayag siya, mukha na akong tanga nagmamakaawa dito oh.

Bat ba kasi ganun yung babaeng yun...... at bakit ako interesadong baguhin siya?

"Oh, Mr.Vargas" tinigna ko kung sino yung tumawag, at nakita ko si Mary
"Mukhang tinarayan ka"

"Mary--"
"Agh, Shit, Ansakit.." binagsak ko yung ulo ko sa lamesa
"Inabandona niya ako gamit ang emotionless na mukha niya"

"Mr.Vargas, Sinubukan mo naman makakaya mo eh" sabi niya habang tina-tap yung ulo ko
"Saka, Sa totoo lang, Hindi mo nadapat pagpilitan sarilo mo na isama siya. Marami namang iba diyan na katulad ni Ms.Carsino na hindi nakikisalamuha sa iba, sila nalang isama mo."
"Hindi kasi ibigsabihin ng pagiging tahimik niya ay ayaw niya na sa iba, baka comfortable na sila sa pagiging ganyan nila"
"Sa tingin mo hindi ba makakasama sa kanya na pilitin mo siya? Mamaya may dahilan siya kaya ayaw niya, baka ayaw niya sa alak o sa mga maiingay"

Tahimik? Comfortable?  Sino ba naman kasi magiging komportable kung mag-isa kalang sa buhay!?

"Tara na, Trabaho na tayo"

"Okay, Okay" matamlay kong sagot sabay tumayo sa pagkakaupo ko

Pinahihirapan ko ba siya sa pagpilit ko sa kanya sumama?

O, baka okay naman lahat.... pero, bakit ko siya gustong makitang ngumiti?

Agh!

*Click*

*Click*

*Flash*

"Tingin dito! "

Nanunuod ako ngayon ng mga model na kinukuhaan para sa magazine.

At si Ylona naman, nasa bandang gilid ko at kinakausap yung manager.

Biglang napansin ko yung longsleeve na suot niya, sa bandang siko niya.

Say, Goodbye To My FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon