F. Say, Goodbye To My Friend

8 1 0
                                    

Sabi nila, mahirap umibig ng isang taong itinuring ka ng kaibigan...

Kung ayaw mong mag 'Goodbye' sa kaibigan mo, matuto kang lumugar..

Pero sa storya ko, siguro mas gugustuhin ko ng mag 'Goodbye' sa kaibigan ko....

Kesa masaktan pa ako ng husto...






"Ced, Sorry hindi ako makakasama mamaya makipag-inuman sa'yo"

"Ano?"

"Gustong gusto ko talaga pumunta sa Bar at makipag inuman sa'yo mamayang gabi" 

"Hindi ba't, ikaw ang nagyayaya?"

"Oo alam ko. Pero kaylangan ko talaga maging libre mamayang gabi, kahit anong mangyari"

"Ano bang meron? May a--"

"Whops-- Ms.Carsino!"

"Hoy, Saan ka pupunta, dipa tapos yang mukha mo"

"Ms. Carsino, Yung Date natin mamaya pagtapos ng shooting, Gusto ko lang malaman kung saang Restaurant ang gusto mo?"

"Kahit saan"

"Yan ang dahilan niya kaya niya kinancell yung inuman"

Dahil may Date siya sa baguhang Hairstylist.

Hindi naman na bago kay Jake yan.
Si Jake, Kaibigan ko na isa sa mga Male Model dito, Ako madalas nag aayos ng Mukha niya.

At yung bagong hairstylist, Carsino. Mula nung dumating yang babaeng yan, siya palagi naririnig kong pinag uusapan.

"Hindi mo naman kasi masisisi si Jake, Mr.Vargas. Maganda kasi si Ms.Carsino kaya maraming nagkakandarapa sa kanya" sabi ni Mary, isa sa kasamahan ko na nag mamake-up sa mga model
"Kahit ako babae, nagagandahan ako sa kanya. Pero kung ako si Jake, mas pipiliin kong sumama sayo Mr.Vargas"

"Oo nga, Mas type kasi namin ang katulad mo Mr.Vargas. Maalalahanin, Mabait at Maganda ang pakikitungo sa mga babae" sang-ayon ni Grace, isa ding Make-up Artists.

"Salamat. .."

Nako, Kung lalaki kaya kayo masasabi niyo yang mga yan. Saka, hindi mo din naman kasi mapagkakaila na.....

Oo, Maganda siya, Attractive. Kaso walang emotion ang mukha. Hindi man lang ngumingiti.

Ngayon pala, Mga lalaking katulad ni Jake ang hanap nila ay ganyang babae, ang hirap basahin at ang misteryoso.


"Morning"

"Morning"

Bubuksan ko na sana yung pinto ng biglang bumukas, napalayo ako onti at nakita ko si Jake.

"Wow, Jake"

"Ce-ced" napansin ko yung mukha niya, namumula at parang iiyak

"Anong nanyari sa'yo? Bat ka umiiyak?" pabiro kong tanong

"Ha? Ako iiyak? Gago"
"Napuyat lang ako. Mahirap lagyan ng make-up mukha ko ng ganto."
"Babalik ako pagtapos ko maghilamos" sabi niya sabay tumakbo palayo

"Uy, teka sandali"

Pagpasok ko, nakita ko si Carsino na nagbabasa ng magazine. Siya ata yung kausap ni Jake kanina.

"Morning"

"Morning"

Nilapag ko yung bag ko sa lamesa at pumunta sa harap ni Carsino.

"Anong nanyari dun?" tanong ko
"Nag-away ba kayo?"

"Walang nanyari" matipid niyang sagot

"Panong wala? Bakit siya paiyak kanina? Kung walang nanyari bakit siya tumatakbong parang iiyak kanina?" tanong ko

Say, Goodbye To My FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon