XXETO NA! IKAW NA!XX

28 2 0
                                    

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Ayan na naman siya… Nakaka creepy… Baka sabihin pa ni Lance na may something to si Rin sa akin…meron ba? Nah….Wala…Tagabantay ko daw yan kaya ganyan siya!... Super higpit naman ng tagabantay na to.. Hinding-hindi ko to masosolo si Lance eh! TToTT

Nandito kami ngayong ‘tatlo’ sa table..yep…sa gitna namin ni Lance si Rin… Uwao! Nangangalay magplastic smile kapag naiinis ka noh? Lagot ka mamaya Rin, sisipain kita… Ahehehe joke lang un…

“Let’s talk about you Rin…” sabi ni Lance na nakatingin kay Rin.

“Me?...” sagot ni Rin na nakahalukipkip lang..

 Dalawa lang kaming kumakain ni Lance habang siya, ayun, ‘nagbabantay’. Daig ko pa nga ang taong may death threat eh sa body guard kong ito eh.. Kulang na lang pati pagkain ko titikman niya kung may lason…

“Yeah..Like, bakit mo naisipang pumasok dito sa school?” nakangiti na tanong ni Lance… ^.^ Haayy…ang gwapo ni Lance…

“Para bantayan si Anja…” Diretsong sagot niya…

Patay! Napahampas ako sa mukha ko? Ano ba tong pinagsasabi niya? Ipagsisigawan ba niya sa lahat na tagabantay ko siya tapos dadamputin siya ng mental hospital? Nag-O-OA na ba ako? Reign Think!

“Ah kasi Lance…Ah…Binabatayan niya ako…tama! Kasi sabi ng parents ko, baka magloko na naman ako…you know?...Ahe..he…he”  Ang plastic naman ng tawa kong yun…

“Ah I see…Saan ka nakatira ngayon Rin?...”

Ano ka ba Lance! Detective? Interrogator? Binubuko mo naman kami eh!

Tinignan ko si Rin para ipahiwatig sa kanya na hwag na magsalita pero…

“Kina Anja…”

What the…Anghel!  Hindi mo ba kayang magsinungaling? Oopss..Yeah…Baka bawal nga sa kanila ang magsinungaling…Pero kahit na!

Tinignan ko si Lance sa reaksyon niya but…ngumiti lang siya..

“Ah, your parents are really concerned about you..Ayaw ka nilang mag-isa at pinababantayan ka pa!” Sabi ni Lance.

FALLEN ANGEL[on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon