"Hello?.." Sagot ko sa kabilang linya
"Hello, sino toh?"
"Paul, si Rose ito. Nasan ka ba?"
"Anong nasaan ka ba? Kanina pa ako naghihintay sayo dito sa food court, nag text ako sayo ah. Nagpaalam ako na may pupuntahan lang ako saglit." Habang sinasabi niya yun, dama ko na nagagalit siya.
Nang sabihin niya na nasa food court siya naglakad ako papunta sa pwesto namin kanina.
Nandun nga siya. May dala dalang malaking kulay pink teddy bear.
Agad akong lumapit sa kaniya. Ibinaba ko ang phone at kinalabit siya.
Nang kalabitin ko siya, halata sa kaniyang mukha ang pagkagulat.
"San ka ba galing? Kanina pa ako nag aantay sayo.." Sabi niya sa akin na mukhang nag aalala talaga.
"Sorry. Di ko na receive ang message mo. Low batt kasi ang phone ko.. Hinanap kita kanina kasi akala ko iniwan mo na ako. Tas.." Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kaniya na kasama ko kanina si George.
"Tas ano?"
"Tas..." Ang hirap sabihin sa kaniya. Baka kasi iba ang isipin niya.
"Tapos ano nga?" Sa mga sinasabi niya halatang naguguluhan siya.
"Rose" isang tawag mula sa likuran ko.
Agad ko itong nilingon.. Si George pala... Shems. Baka mag away sila.
"Anong ginawa ng lalaking yan dito?" Isang malamig na tanong sakin ni Paul.
"Ano kasi eh.. Let me explain.." Agad naputol ang sinasabi ko kay Paul ng sumingit si George.
"Hiniram niya kasi ang phone ko para ma contact ka. Nagkasalubong lang kami kanina ng hindi sinasadya." Pagpapaliwanag ni George kay Paul.
Agad na hinigit ni Paul ang kamay ko palayo kay George. Naglakad kami ni Paul papunta sa kaniyang motor.
BINABASA MO ANG
Si Paasa at si Umaasa (Part 2)
RomanceKaramihan sa mga tao ngayon ay Umaasa. Isa ako sa mga taong nagpapakatanga para lang sa kanya. Ewan ko kung bakit. Kahit alam kong wala itong patutunguhan, nagpapakatanga parin ako, umaasa parin ako. Lintik naman kasi tong mga paasang 'to eh. Bakit...