Nang lingunin ko ito laking gulat ko ng si George ang nakita ko. Ang George na mala anghel ang mukha. Ang George na mahilig sa kulay itim na damit.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Biglang tumigil ang paggalaw ng katawan ko. Nanatili kaming nagtitigan sa loob ng ilang segundo. Nang mahimas masan na ako, saka ko lang nabanggit ang pangalan niya, "George"..
Nilapitan niya ako at inabot sa akin ang ice cream na hawak niya. ,"kala ko di mo na ako kilala.." banggit niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko, nanatili parin akong naka tanga habang hawak hawak ang ice cream na ibinigay niya.
Nang tingnan ko ang ice cream na inabot niya sakin, napaka dami kong naalala. Mga alaalang kasama siya.
Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. Nakangiti siya sakin. Hindi kapanipaniwala ang ngiti niya, para bang walang nangyari noon. "Matutunaw na yung ice cream oh.." sabi niya sabay turo sa ice cream na hawak ko.
Hindi ko pinansin ang ice cream kahit alam kong natutunaw na ito..
Tinitigan ko lang siya. Pinagmamasdan ko ang mukha ng aking best friend.
"Wag mo ko titigin baka matunaw ako.." natatawang sabi niya sakin.
"Halika nga.. upo muna tayo dun sa food court.." dagdag niya sabay hawak sa aking kamay papunta sa inuupuan ko kanina.
Hindi ko parin maipaliwanag ang nararamdaman ko, nakaupo kami ngayon at nakaharap sa isa't isa. Isang lamesa lang ang namamagitan samin.
Hindi ko alam kung paano ko siya ia-approach.
Naubos niya na ang ice cream niya samantalang ako hindi ko parin nagagalaw ang sa akin.
Kinuha niya sa kamay ko ang natunaw na ice cream at inilagay ito sa basurahan.
kinapa niya ang bulsa nya para kunin ang kaniyang panyo, inabot niya ang kaliwa kong kamay para punasan ang natapunan ng ice cream.
![](https://img.wattpad.com/cover/108162302-288-k843852.jpg)
BINABASA MO ANG
Si Paasa at si Umaasa (Part 2)
RomansaKaramihan sa mga tao ngayon ay Umaasa. Isa ako sa mga taong nagpapakatanga para lang sa kanya. Ewan ko kung bakit. Kahit alam kong wala itong patutunguhan, nagpapakatanga parin ako, umaasa parin ako. Lintik naman kasi tong mga paasang 'to eh. Bakit...