Thirty-seven

2 0 0
                                    

Pagpasok ko sa pedia ward, nagulat ako nang sabay din kami mag log in.

Gosh. Iisa pa ata ang ward naming dalawa.

"Rose, ayaw mo ba ako makasama?" Seryosong tanong niya sakin habang nag lo-log in siya, siguro nahalata niya rin na ayoko siyang makasama kaya niya iyon naitanong.

Huminga ako ng malalim bago ko siya sagutin. "Phew. Hindi naman sa ayoko kang kasama. Kailangan lang ng distansya. Magagalit kasi ang boyfriend ko" pagpapaliwanag ko sa kaniya.

Pagtapos naming maglog in, chineck namin ang kaniya kaniya naming pasyente.

Dahil stable naman lahat ng pasyente ko bumalik na kaagad ako sa sa nurse station.

Umupo ako saglit para magpahinga. Lumapit sakin si George, hindi siya kumikibo, nakakatitig lang siya. Dahil sa Pag kairita ko tinitigan ko din siya "Bakat ka naka tingin? May dumi ba mukha ko?" Pagtataray ko sa kaniya.

"Oo, meron oh.." Sabay punas niya sa pisngi ko gamit ang hinlalaki niya. "Akala ko may nunal ka na.. Kulangot lang pala" mahina niyang sabi sabay tawa.

Tumakbo kaagad ako sa cr para icheck ulit yung mukha ko.

P*t*ng*na! Pano ko nagkakulangot sa pisngi?! Tell me! Tell me! Nakakahiyaaaa!!!

Agad akong naghilamos para masigurong wala na talaga. Bago ako lumabas ng cr, nangulangot muna ako para masigurong wala nang gagapang na kulangot sa pisngi ko.

Tangna. Grabe. Parang ayoko na tuloy lumabas.

*tok tok tok*

Si Paasa at si Umaasa (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon