Nathan's POV:
Pagbalik ko sa upuan nag sulat na ko kaso nag bell kaya tumigil na ko. Actually nakakatamad naman kumopya eh, pinilit ko lang sarili ko para sa grades.
Ako pala si Nathan Lopez, 16 yrs. old and third year highschool. Swimmer ako dito sa school namin, kala ng iba cold ako o ano pero may mabait din akong side, di ko lang pinapakita. Lol.
Ibabalik ko na sana sakanya yung ballpen kaso biglang hinulog ni Pink yung mga libro ni Danica.
"Ay sorry~ di ko talaga sinasadya~ ay!" Lol. Kitang kita naman na siya gumawa nun -.-
Tinignan ko nalang sila tas umalis na ko sa room kaso pagka alis ko may nagbunggo sakin.
"Tsk! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Sigaw ko sakanya.
"Oh? Eh nakatayo lang naman ako dito ah, baka naman ikaw dapat tumingin sa dinadaanan mo" sagot niya sakin. Tss.
Kinuha ko yung kwelyo niya sabay hinila palapit sakin.
"Maka sagot ka parang magkakilala tayo ah? Baka naman di mo kilala kung sino sinasagot mo ng ganyan" sabi ko sakanya habang hinihigpitan yung kwelyo niya.
"Bakit? Totoo naman yung sinasabi ko ah, wag mong sabihing nahihiya ka dahil tama yung sinabi ko." Tsk.
Tinignan ko lang siya sabay tulak sakanya. Loko to ah
Buti nalang wala masyadong estudyante nakakita sakin kundi yari ako sa tita ko -.-
Habang naglalakad sa hallway papuntang canteen naalala ko bigla yung itsura ng lalaki. Parang bago lang yun ah? o hindi? Tsk. Nakakainit lang ng ulo wag nalang.
*canteen*
"Bro! Lika dito! Bilis!" Sigaw ni Anton. Kaibigan ko sa swimming.
"Oh? Bakit bro?" Sabay akbay sakanya.
"Tignan mo oh ang sexy ng babae" pag tingin ko sa phone niya, nanonood pala ng ano -.- Binatukan ko nga
"Bastos ka ah! Dito ka pa nanonood eh pwede naman sa bahay niyo -.- tigang na tigang" sabi ko sakanya.
"Eh pre! Tignan mo naman oh ang la--" sabay suntok sakanya sa tiyan. Langya nan dito si crush.
"Oy Anton! Tapusin mo na to oh! Bwiset naman eh ako na naman magtatapos ng report natin" sigaw ni Ashley, pinsan ni Anton. Swerte naman ni Anton ang ganda ganda ng pinsan niya tapos...hays.
"Oo nga Anton! Kawawa naman si Ashley oh, tulungan mo na" sigaw ng iba naming kaibigan.
"Eh! Nanonood pa ko kayo nalang" tamad talaga neto pero pag dating sa mga ano eh...hyper -.-
Tinignan lang siya ng masama ni Ashley tas umalis na sa harapan namin. Kaso hinabol ko siya
"Ahm...Ashley, gusto mo tulungan nalang kita? Kasi si Anton alam mo naman na---"
"No thanks, tutulungan nalang ako ng boyfriend ko." Ah. Okay.
"Ah ganun ba? Sige pasensya ka na ha?" Sabi ko sakanya habang kinakamot batok ko.
Nag "okay" nalang siya tska tuluyan na siya umalis sa harapan ko. Potek. Nan dun na eh! Aish. Nakalimutan ko na naman na may boyfriend na pala yun.
Binalikan ko nalang yung mga kaibigan ko habang nakatungo.
"Oh Nathan? Bakit ganyan mukha mo?" Tanong ni Anton na kakatapos lang siguro manood.
"Wala." Sabay upo sa likod ni Anton.
"Kainin mo nalang yung burger ko, di ko naubos eh pano ba naman ang ganda kasi--" siko ko sa likod niya.
"Oo na manood ka nalang. Kakainin ko nalang yung burger mo, salamat ah?" Sabay kagat sa burger. Bwiset kasi eh bakit ko pa tinanong kung alam ko naman na di yun papayag. Tsk.
Sino ba kasi kaya akong mahalin ng buo. Di yung niloko ako, pinagpalit ako sa pangit, ginamit lang ako. Tsk. Yung mamahalin talaga ako na buo.
Pagkatapos kong kumain bumili muna ako ng inumin bago kami pumunta sa swimming pool.
"Miss, isa pong mango juice" sabi ko, sabay bayad.
Tatalikud na sana ako na may nambangga o binagga ako -.-
"Ay sorry....Nathan?" Si Danica lang pala.
"Oh Danica, bakit?" Sabi ko habang umiinom ng juice.
"Ahm...w-wala lang n-naman haha....ano binili mo?" Bakit parang kinakabahan to?
"Ah mango juice. Bakit?" Tanong ko sakanya.
"W-wala lang naman. Sige mauna ka na baka hinihintay ka na nila..." bakit namumula yung mga pisngi niya? Pawis na pawis pa -.-
Nag paalam nalang ako sakanya.
Danica's POV:
Omgeeeeeeee nakausap ko na din si crush ko!?!?! Tae! Ang saya saya ko kahit sandali lang kami nag usap. Di niya ba nahalata na nag bublush ako?! Nakakahiya naman. Ang laki laki ko pa naman. Huhu.Ano ulit binili niya kanina? Mango juice! Sige bibili din ako! Awie para pareho kami ni crush ko. Hart hart!
"Miss, isa nga pong mango juice" sabay bayad na din.
Hmm~~ sarap nga~ awiee iniisip ko si Nathan habang iniinom to! Tae. Kinikilig nanaman ako XD
"Danica? Okay ka lang? Tanong sakin ni Thomas na tumatawa.
"Oo naman! Haha okay na okay! Bakit?" Tanong ko sakanya habang naghahanap ng upuan.
"Wala lang naman, kanina kasi naka simangot ka lang eh tas ngayon ang saya saya mo na. Sure ka ba na wala nangyari?" Tanong niya sakin.
"Ah yaan mo na yun, ang mahalaga naka ngiti na ko! Diba?" Sabi ko sakanya habang nakangiti.
Nag "thumbs up" nalang siya.
"Danica wag na kaya tayo umupo, bili nalang tayo ng pagkain tas maglakad lakad tayo." Sabi ni Riley na nagmamadali.
Pumayag nalang ako. Sinamahan ko nalang sila bumili ng pagkain, juice nalang muna ako. Diet iz real! Joke. Kakain ako mamaya ng kare-kare, chicken, pati hotdog xp sarap!
Habang naglalakad kami napansin ako ni Riley na inumin lang binili ko.
"Oh? Bakit di ka kumakain ngayon? Diet ba bes? Di yun uso sayo ah" tsss~~ nakakahiya naman >.< nan dyan si Thomas eh. Tinignan ko kung ano magiging reaction ni Thomas pero naka ngiti lang siya sakin. Anebe~ baby fats ko ay puso ko pala.
"Di ako nagugutom, nauuhaw lang ako. Okay lang ako mabubusog din ako dito." Sabi ko sakanila kahit di naman >.<
Dun kami sa tambayan namin ni Riley which is sa gym. Kung saan kami unang nagkita.
Nag kwekwentuhan kami ditong tatlo na biglang tinanong ni Riley si Thomas.
"Nga pala Thomas, bakit mo pala kami tinulungan kanina?" Tanong ni Riley sakanya habang nanguya.
"Ah~ kasi..." ano kaya sasabihin neto.
"Kasi?!" Sabi namin ni Riley.
"Kasi..may kamukha ka.." Hanudaw? Nag tinginan kami ni Riley. May kamukha??
"Ako? May kamukha?" Tanong ko sakanya habang kinukuha yung burger ni Riley pfft.
"Oo kas--"
"Oy pre! Mag si hubaran na kayo!!!!" Ano ba yan -.-
Napatingin kaming tatlo kung saan yun galing. Galing pala sa swimming pool side ng school namin jusme -.-
Ay teka swimmer si Nathan diba?! Myghad. Kailangan ko makita yun!
"Teka lang mga beshie! Kailangan ko makita yung papi ko! Whoot whoot!" Sigaw ko sakanila habang tumatakbo. Homyghad! Ang bigat ko...mga taba ko nag bobounce XD
"Oy Danica! Halika nga dito!" Sigaw ni Riley, potcha pagod na ko. Onti nalang dun na ko eh! Kaso...
"Danica!!!!!"
Nahimatay ako.
- To be continued
YOU ARE READING
Big Fat Love
FanfictionSo yung kwento neto ay tungkol sa isang babae na si Danica. Mabait siya tska matalino pero may isa siyang problema...at yun ay! Mataba siya. Di naman siya ganun kataba nung baby pa siya pero habang lumalaki siya, lumalaki din yung katawan niya. Na l...