Chapter 6

16 0 0
                                    

Nathan's POV:

Pagkatapos namin mag practice umuwi na sila. Pero di ako kaagad umuwi, binisita ko muna si ate.

"Ate....musta ka na dyan? Miss na kita ate...miss ka na namin nila papa..." pagka sabi ko nyan napaiyak nalang ako bigla. Nagsindi nalang ako ng kandila tas nilagyan ko din siya ng panibagong bulaklak.

Pumunta muna ako sa playground para magpalamig ng saglit. Bumili na din ako ng pagkain bago pumunta dito.

Habang nakikinig sa music tska kumakain ng chocolate bar biglang may kumalabit sakin. Paglingon ko, si Ashley?

Tinignan ko lang siya,

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin habang nakangiti.

"Tumatabay lang dito. Ikaw?" Tanong ko din sakanya.

"Ahh ganun ba? Kasama ko kasi boyfriend ko pero may binili lang siya sa may tabi, tska nakita din kasi kita pumunta dito." Sabi niya sakin habang inaayos yung damit niya, tinignan ko lang siya...bakit ba ang ganda niya? Kahit simple lang siya...ang ganda niya parin. Kaso naunahan na ko, tingin lang naman niya sakin kaibigan eh. Ayos na din yun, atleast nakikita ko siyang masaya sa mahal niya.

Kahit minsan gusto ko ako yung kasama niya palagi, ako yung dahilan ng pag ngiti niya, sa pag tawa din niya...haha. Mga iniisip ko talaga. Impossible mangyari.

"Nathan? May dumi ba sa mukha ko? Kanina ka pa nakatitig sakin" sabi niya habang tumatawa.

"A-ah wala ka namang dumi sa mukha haha...sensya." Sabi ko na di nakatingin sakanya.

"May chocolate ka dito oh..." sabi niya sakin. Pupunasan na niya sana kaso bigla siyang tinawag ng boyfriend niya.

Nag paalam nalang siya sakin tska na siya pumunta sa boyfriend niya, hayss.

"Aish!" Napatingin ako sa likod ko kung saan galing yun, kaso wala namang tao, tae makaalis na nga
-.-

Danica's POV:

Halugh sino yun? Tumago ako sa may slide mas malapit din yun kala Nathan. Tsk, sino naman yung babae na yun?!

Nag uusap lang sila na biglang hahawakan na sana ng babae yung mukha ni Nathan kaso may tumawag dun sa babae, boyfriend niya ata. Pshhh buti lang umalis yung babae na yun -.-

"Aish!" Ay wengya! Di ko man iniisip na pwede ako marinig ni Nathan -.-

Tinignan ko ulit kung nan dun parin siya sa playground pero pag tingin ko, wala na siya >.< huhu

Siguro umuwi na yun...hays natakot siguro sa ginawa ko. XD sino ba di matatakot pag may narinig ka somewhere tas ikaw lang?

Umuwi na din ako, pag pasok ko sa loob lahat ng gamit nasa sahig, tinignan ko yung kwarto nila mama pero wala sila tinignan ko din yung sala kaso wala din sila. Pag punta ko sa kusina nan dun silang dalawa sa sahig.

"Ma! Pa!? Bakit kayo nasa sahig?!" Sigaw ko.

"A-anak~ nan dyan ka na pala~" eh? Ba't ganun si papa??

Magsasalita na sana ako na tumayo si mama,

"Anak...pasensya ka na at magulo yung bahay...nalasing kasi papa mo...alam mo naman kung ano ugali niyan pag nalasing diba?" Hays, uminom na naman si papa -.-

"Ma...alam ko naman po na nag iiba ugali ni papa pag nalasing. Pero bakit po siya uminom? May nangyari po ba?" Tanong ko kay mama.

Bago ako sagutin ni mama inayos muna namin yung mga gamit tas hiniga na din namin si papa sa kwarto.

"Anak...natanggal kasi papa mo sa trabaho niya kaya uminom siya..." sabi ni mama na nakatungo.

"Ano po?! Eh bakit naman po matatanggal si papa sa trabaho? Masipag naman si papa ah?!" Sabi ko kay mama na natataranta.

"Hindi ko din alam anak...wag muna natin tanungin papa mo tungkol dyan. Ang importante makahanap muna ako ng trabaho.." eh?!

"Ma...pano pa--" pinutol ako ni mama

"Anak...wag ka na mag alala sakin...gagawin kong lahat para sainyo ah? Bantayan mo muna papa mo, okay?" Sabi sakin ni mama na paiyak na.

"Okay po ma.." sabi ko kay mama sabay yakap sakanya ng mahigpit.

Sana naman makahanap kaagad si mama ng trabaho o kaya sana may magawa ako para tulungan si mama....

Pagpunta ko sa kwarto ko inisip ko kaagad kung anong mangyayari saamin sa susunod na araw...hayss.. ang hirap. Tsk. Kailangan ko talaga mag aral ng mabuti para sakanila.

Ginawa ko nalang kaagad yung mga assignments tapos nag review na din ako sa mga quizzes namin.

Pagkatapos ko gawin yung mga kailangan tapusin humiga ako sa kama ko...sino kaya yung babae na yun? Bwiset kasi eh di ko makita dahil nakaharang yung buhok niya -.-

Si Nathan naman ang ganda ganda ng ngiti niya.....ang sakit. Sana ganun din yung mukha niya pag nakikita niya ko...kaso impossible naman yun mangyari sakin, ang taba taba ko, mabilis ako mapawisan mabilis din ako mapagod. Ang lalaki ng mga damit na suot ko...pano ako magugustuhan ni Nathan?? Hayss

Tiniwag ko si Riley,

"Danica bakit?" Tanong sakin ni Riley.

"Ah wala lang naman pero..." sabi ko sakanya na walang gana.

"Pero? May nangyari ba?"

"Oo eh..kasi pag baba ko sa kotse nakita ko si Nathan sa may park dito samin, tapos pag punta ko dun nakita ko may kasama siyang babae...hahawakan pa nga sana ng babae yung mukha niya eh" sabi ko sakanya na naiiyak. Ahe arte lang XD

"Eh? Sino naman yung babae na yun? Baka naman nagkataon lang na nagkita sila dun diba? Tska bakit ka naiiyak?" Aishh...di ko macontrol yung nararamdaman ko.

"Ewan ko...wala na kong pake kahit sino pa yun pero ang sakit lang haha..." sabi ko sakanya habang pinipilit na wag umiyak.

"Hayss...wag ka na umiyak bes"

"Eh kasi naman....ang tagal ko na siyang crush diba? Ang tagal ko nakatunganga lang sakanya, naiinggit ako dahil...dahil ang swerte nung babae ba yun, napapangiti niya si Nathan tapos ako hindi? Tsk. " sabi ko kay Riley habang umiiyak.

Magsasalita sana si Riley pero inunahan ko siya.

"Yfn lagi mo siyang hinihintay mag ol tapos pag ol naman siya wala ka naman masabi...tae lang. Lagi naman ako nan dyan sakanya kung may kailangan yun diba? Pero wala parin, lumalapit lang siya sakin pag may kailangan siya. Hays, okay na din yun no? Atleast lumalapit siya sakin pero kung may kailangan lang. pft..." sabi ko kay Riley tapos nilabas ko na lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Hays bes...wag mo naman masyado problemahin yan, alam ko masakit kasi lumalapit lang siya sayo pag may kailangan yun. Pero madami pa naman dyan oh, di naman pwede na si Nathan lang yung mamahalin mo diba? May tamang oras at panahon para dyan Danica, maghintay ka lang okay? Pero wag masyadong matagal, kung gusto mo ikaw na mag first move sakanya" sabi niya sakin na kinagulat ko.

"Well anyways, maghintay ka lang. importante yan bes, tska may magkakagusto sayo no. Ang ganda ganda mo kaya, basta tiwala ka lang...okay? Wag ka na umiyak" hayss...ang swerte ko talaga dito sa bestfriend ko huhu

"Sige na nga~ pfft" sabi ko sakanya habang nakangiti.

Nag usap pa kami saglit ni Riley tas binaba ko na din, makatulog na nga!

Goodnigh--

"Anak!!!! Halika dito muna~" tawag sakin ni mama.

Anebe yen matutulog na ko eh huhu

Bumaba ako, pagkababa ko,

"Nathan?!"

"Danica?!?"

halugh tae!!!

- To be continued

Big Fat Love Where stories live. Discover now