Chapter 2

19 0 0
                                    

Danica's POV:
Halughhhhhhh!!!! Kinausap ako ni crush! Shet. Di ko na alam gagawin ko >.< potcha nanginginig na ko pati yung mga taba ko, tatakbo nalang ba ko? Di ko nalang ba siya papansinin? O kaya mag kukunwari ako na di ko siya kilala pero sobrang kilala ko na siya, yung tipong fb accnt niya alam ko, insta niya, twitter niya, snapchat pa niya alam ko. Omgeee ano gagawin ko?!

"Danica? Ikaw ba yan?" Yang tanong na yan. Ahe, ayaw maalis sa isip ko. Putek!!!

"Bes..tignan mo siya oh! Kinakausap nga siya ni daddy Nathan tas di niya pinapansin, bastos lang no? Baka naman nag kukunwari lang to na di narinig para lapitan pa siya lalo ni daddy Nathan. Landi no? Ewwww" tsk. Bulong ka pa dyan rinig na rinig naman kita. Bobo mo may pa "daddy" ka pa nalalaman?! Landi.

Magsasalita na sana ako kaso biglang dumating naman yung teacher namin, buset dami talagang epal -.-

Umupo na lahat-lahat pero si crush ko di parin. Alam niyo ba kung nasaan siya ngayon? Hindi malamang. Joke sige sasabihin ko na, nan dito parin siya sa harap ko....ekkkkk! Yung baby fats ko este puso ko taena.

"Excuse me sir? Di ka pa ba uupo? Lahat sila nakaupo na oh ikaw nalang hindi." Saway ni ma'am sakanya.

wag ka muna umalis...

"Okay po ma'am" tska na siya umalis sa harapan ko. Hayss ganda na eh! Nan dun na yun eh! Nasa harapan ko na nga oh tae nawala pa huhu

"Danica!" Kalabit sakin ni Riley.

"Hmm? Bakit??"

"Diba cru--!" Bigla kong tinakpan yung bibig ni Riley. Ingay naman neto -.-

"May problema ba?" Tanong ni ma'am saamin, shet.

Nakatingin silang lahat saamin pero si crush di--- putek. Tumingin pa nga si crush! Ngina. Okay na sana pag di siya tumingin eh kaso tumingin parin.

"U-umm....may dumi lang po sa bibig ni Riley ma'am, pinupunasan ko lang po." Sabi ko kay ma'am habang pinupunasan yung bibig ni Riley yung punas na nagigil ka, kagaya pag nagigil ka sa mga taba mo sa legs, braso, tska sa mukha mo XD

Tinignan lang kami ni ma'am tska na nagturo tinignan ko kung may nakatingin pa samin...hmmm wala naman so okay na yun! Hayss

"Danica! Si ano.." ano nanaman?

"Sino?" Tanong ko sakanya habang kinokopya yung sinusulat ni ma'am.

"Yung CRUSH mo! Nakatingin sayo....ayie pfft!!" Bulong niya sakin  habang nagsusulat, nyemas diniin pa talaga yung word na yun ah? Tsss~ pero nakatingin pa daw siya? Bakit naman? Luh?

Hinanap ko siya pag lingon ko sa kanan side........shet. Shet lang.

NAKATINGIN NGA?! PUTEK. BAKIT SIYA NAKANGITI?!?!? LUH?!

Ano daw??

Tinignan ko yung bibig niya kasi parang may sinasabi siya sakin...

"May ballpen ka?" Ay...tae. Kala ko naman kung ano sasabihin neto -.-

Manghihiram lang pala ng ballpen sakin. Kala ko naman sasabihin niya na "miss kita" o kaya "ang ganda mo" o kaya! "Ang sexy mo" wahhhhh!!! Taena. Asa naman ako na sasabihin niya yun sakin. Asado much akesh huhu, asado? Sarap nun ah! Makabili nga mamaya xp

"Ballpen? Eh tanungin mo nalang sa katabi mo! Layo mo kaya" bulong ko sakanya, ahe pabebe XD

Biglang naging seryoso yung mukha niya na di ko naman kinagulat kasi...lagi naman ganyan mukha niya.

"Tinatamad ako. Pahiramin mo nalang kasi ako -.-" tsk. Yoko nga! Iisa nga lang yung ballpen ko tas papahiramin ko pa siya? Wag na. Bumili siya ng sarili niyang ballpen, papasok sa school na walang dalang ballpen.

Big Fat Love Where stories live. Discover now