Danica's POV:
Pag tingin ko sa likod..si Nathan??
"Oh Daddy Nathan~ nan dyan ka pala, pasok ka na, yaan mo sila dyan sa labas." Sabi ni Pink sakanya."Wag mo nga ko tawagin na daddy dyan, kadiri ka." Sabi ni Nathan kay Pink, nagulat si Pink sa sinabi niya, pero yung mga kasama niya tumawa. Pfft
Pagkasabi nun ni Nathan pumasok na siya sa loob, tinignan lang namin si Pink, pumasok na rin kami.
Tinignan lang ako ni Riley na naka ngiti, pati din si Nathan.
Pumasok na din teacher namin nakaupo na rin si Pink pfft. Pahiya ka kanina XD
Thomas POV:
Pag pasok ko sa room umupo nalang ako kaagad, wala naman akong close dito eh kung pwede lang sana nan dun ako sa room nila Danica, para pag may nang away sakanya...tutulungan ko siya.Habang nakatingin lang sa labas naalala ko na naman yung babae. Tsk. Bakit ba lagi ko nalang siya naaalala? Kaya di ako makatulog kagabi eh, kakaisip sakanya.
"Thomas? Right?" Tanong bigla sakin ng babae nasa harapan ko."Yes. Why?" Tanong ko sakanya.
"Ahm....may ibibigay lang sayo yung kaibigan ko, kaso nahihiya siya kaya ako nalang daw mag aabot sayo" sabi niya sakin na nahihiya."Yeah sure. Ano ba yun?" Sabi ko sakanya na naka ngiti.
Letter? Binigyan niya ko ng letter with hearts and stuffUmalis na din yung babae na nag abot sakin. Tinignan ko naman yung letter.
Hi po kuya! Ahm....nahihiya po ako eh...ahm...kasi...crush po kita, matagal na po since yung pag pasok mo dito sa room. Di ko inaasahan na magiging crush kita...tska naawa ako sayo nung sinaktan ka ng mga lalaki na yun...gusto sana kita tulungan kaso nahihiya ako....sana maging close tayo! Okay lang kahit di mo din ako gusto...basta nasabi ko sayo yung nararamdaman ko...
-Diana xoxoPagkabasa ko nun tumingin ako sa paligid ko kung sino si Diana, kaso di ko siya makita.
Napangiti ako sa sinabi niya..ang cute, kaso iisang tao lang yung nasa puso ko eh, yun yung taong laging kumakain -.-
Kahit di ko siya nakikita o nakakausap siya padin. Tinago ko nalang yung letter sa bag, pumasok na din yung teacher namin nakinig nalang ako.
"Pre. Kilala mo ba yung mataba na estudyante sa kabilang room?" Tanong ng katabi kong lalaki. "Oo pre. Bakit?" Sagot niya. " kasi kanina may nangyari daw, kaso di ko natanong dahil pumasok na si ma'am" tinignan ko yung lalaki, siya yung sumapak sakin ah?! Tsk.
Habang sumasagot sa test namin, naalala ko bigla yung sinabi ng lalaki. 'May nangyari daw' ?? Ano naman nangyari?? Nasaktan ba si Danica?? Ano?? Hays. "Thomas? Okay ka lang?" Tanong sakin ni ma'am, kaso di ko pinansin.
"Sir Clyde! Di mo ba sasagutin yung test paper mo? Kukunin ko yan." Sigaw ni ma'am mula sa harapan. Tsk. " okay po." Sabay sagot ulit sa test paper namin.
Nathan's POV:
Na-bored na kami sa pool side ng school namin kaya umakyat na kami. Pagka akyat ko nakita ko sila Danica sa labas ng room, may nangyari na naman ba? Lumapit ako sakanila nakita ko si Pink sa harapan nila, nag salita nalang ako para matapos na kaso tinawag pa kong 'daddy' ni Pink. Tsk. Kadiri.Umupo na din ako sa pwesto ko, kinuha ko muna yung phone ko habang naghihintay kay ma'am. Habang naglalaro bigla may nag text sakin. We need to talk, tinignan ko kung kaninong galing yung text. Kay Pink lang pala, psh.
Di ko nalang nireplyan -.- bakit ba kasi ako pumayag na ibigay ko sakanya yung number ko, kadiri. Lagi nalang nag tetext sakin ng kung ano ano -.- kulang nalang tawagan ako eh. "Good morning class" bati samin ni ma'am. Tinago ko na din yung phone ko, pag tingin ko sa harap si Pink nakatingin sakin. "Ba't di ka nag reply?" Tanong niya sakin. Tinignan ko nalang tas tumingin sa pwesto nila Danica. Kaso pag tingin ko sakanya bigla lumaki yung mata niya na parang nakakita ng multo sabay tumingin sa harap.
Ngumiti nalang ako. Nakinig nalang ako kay ma'am wala magawa eh, matutulog na sana ako na may bumato sakin na papel. Mamayang 9:30 sa likod ng gym. Kung di ka pumunta alam mo na kung ano mangyayari. -Pink xoxo, tsss -.- ano ba problema neto? Kanina sa text tas ngayon naman sa papel.
Tinapon ko nalang sa may basurahan sabay tingin kay Pink. Pero nakatingin lang siya sa harap kaya di niya nakita, kaso may tumatawag sakin. "Psst! Nathan!" Lumingon ako sa kaliwa, pagkalingon ko si Danica lang pala. "Bakit?" Tanong ko sakanya. "Bakit mo tinapon?" Nakita niya? "Yung papel ba? Wala yun. Nakita mo?" Tanong ko sakanya na nakangiti.
"Oo. tska sorry kung nabasa ko, may bumato kasi sakin....eh kala ko sakin edi binasa ko, para sayo pala yun." sabi niya sakin na nahihiya. Teka edi siya yung bumato sakin? Aish. "Okay lang. atleast ikaw lang nakabasa haha" sabay kamot sa batok ko, tumawa nalang siya. "Pero...pumunta ka ah? Baka kung ano pa mangyari sayo. Alam mo naman yan si Pink. Baliw XD" sabi niya sakin na nakangiti. Pagka ngiti niya parang bumilis yung tibok ng puso ko. Di ko alam kung bakit, di ko alam kung sa sinulat ba ni Pink o yung ngiti ni Danica. Tae.
Danica's POV:
Hm? Bakit nakatulala si Nathan? May nakikita ba siya na di ko nakikita? Luh! "Oy! Ba't tulala ka?" Tanong ko sakanya na natatawa. "Ah wala. Sige pupunta ako mamaya." Sabi niya sakin na nakatingin sa labas, bakit hindi sya makatingin sakin? May nasabi ba ko?Pagkatapos ng dalawang subject break na din namin, may sasabihin sana ako kay Riley kaso nilapitan ako ni Nathan. "Danica...pupunta na ko dun ah? Wag mo nalang sasabihin kala Anton kung nasaan ako. Kung sakaling mag tanong sila. Thank you" tska na siya umalis sa room.
Ano kaya gagawin ni Pink sakanya? Napaka ako nun -.-
To be continued.
![](https://img.wattpad.com/cover/109443818-288-k884213.jpg)
YOU ARE READING
Big Fat Love
FanfictionSo yung kwento neto ay tungkol sa isang babae na si Danica. Mabait siya tska matalino pero may isa siyang problema...at yun ay! Mataba siya. Di naman siya ganun kataba nung baby pa siya pero habang lumalaki siya, lumalaki din yung katawan niya. Na l...