~×♡×~ 23 ~×♡×~

1.3K 87 27
                                    

Vlue Xyrill Montellano

Ngiting ngiti akong naglalakad papuntang kwarto ni Zyana. Nakakabakla man pero aaminin kong kinikilig ako dahil sa sinabi ni King Keith. Para akong binasbasan ng maraming beses dahil kay King Keith. Feeling ko? Ako na ang pinakaswerteng bampira sa mga mundong nakalocate dito.

Pinagtitinginan na ako ng mga maid dito. Wala akong pakialam. Siguro sila merong pake kasi si Vlue Xyrill Montellano, nakangiti. Madalas akong nakabusangot at blank faced.

Nakita ko sa malayo na lumabas na ng kwarto si Queen Kayla at nakangiting humarap sa gawi ko. Ngumiti din ako atsaka naglakad papunta sa kanya.

" Tear is sleeping and Zyana is singing her a song. " sabi ni Queen Kayla habang nakahawak sa pisngi niya. " I really thought that young girl is your child with her, Vlue. I'm longing for a grand child. " sabay hawak sa kamay ko.

Nabigla ako dun pero winaglit ko nalang. " You have my blessings, Vlue. You can marry my daughter. I saw everything. From you loving her and her loving you. I can already feel the strong feeling between the two of you. You got chemistry! " kinikilig na sabi ni Queen Kayla

Natawa ako kay Queen Kayla. At sumagi ulit sa isip ko ang sinabi niya.

'You have my blessings, Vlue. You can marry my daughter.'

Wala na talagang sasarap pa sa salitang Marry.

" My pleasure, your highness. " sabi ko at ngumiti ng malawak.

" Vlue. You look nice when smiling. I bet your smile is the reason why Zyana fell in love. " sabi ni Queen Kayla

Hindi kaya. Baka sa halik-- dejk. Ang corny mo Vlue. Ayan. Kinain ka na ng sistema mo. Hindi ka pa nagiging ganito sa tanang buhay mo. Yung poise mo.

" I think so too.. " sambit ko at nagtawanan kaming dalawa

" If you want, you can call me and King Keith as Father and Mother. Ayieee~ Off to goo~ " tumatalon talong paalis na sabi ni Queen Kayla at halatang sobrang saya niya.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Zyana atsaka binuksan ang pinto ng maliit para makasilip muna ang katawan ko. Nakangiting nakalipbite ako ng makita ko si Zyana na nakangiti sa gawi ko. Marahan kong sinara ang pinto tsaka ako tumabi kay Zyana sa kama.

" Good news. " sabi ko

" Hm? What do you mean? " tanong ni Zyana at humarap sakin. Ginawang unan ni Zyana ang braso ko. Nakasiksik siya sa katawan ko habang hinahagod hagod ko ang buhok niya.

Ngumiti ako ng malawak tsaka ko hinawakan ang kamay ni Zyana. " I got the blessings from your father and mother. " sabi ko

Nakita kong kumunot ang noo niya hanggang sa napatakip siya ng bunganga niya. " You mean--?! "

Tumango ako habang nakangiti ng malawak. Tsaka ko siya niyakap ng mahigpit at nilagay sa ibabaw ko. " Omg. Are you kidding me? We're getting married?! " sigaw ni Zyana

" Yeah. " sabi ko at humagikgik

Nagsimulang tumili ng paimpit si Zyana at hinahampas ang dibdib ko kaya napapasigaw ako ng mahina lang. Niyakap ko ng mahigpit si Zyana at hinalikan ko siya sa noo niya kahit sa tuktok ng ulo niya.

TSVAM Book 2: Reveries ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon