PAANO?

160 5 2
                                    

Paano nga ba namumuhay ang isang tao? Kailangan bang malapad ang ngiti habang naglalakad sa daanan at walang ano-ano'y binabati ang mga kapwa niya nilalang.

Kinekuwentuhan ng mga tinatagong lihim? Sinisiraan ang mga kakilala nila upang sila'y umangat nang hindi natin nammamalayan.

Paano nga ba namumuhay ang isang tao? Nakabusangot ba sila habang sumasayad sa sahig ang balikat nila dahil na rin sa lungkot na nararamdaman nila.

Tapos may lalapit sa kanyang itinuturing niyang kaibigan, ngunit tinuturing kaya rin siya ng mga ito bilang kaibigan?

Tatanungin nila kung kumusta ang kalagayan mo? Ni hindi man lang tutulungang malagpasan ang kinakaharap mo bagkus ay sasabihan ka pa nilang madrama.

Ma-drama na para bang mga teleserye na pinapanuod ng mga tao.

Paano nga ba namumuhay ang isang tao?

Sa paraan bang nakangiti sila kapag may nakakasalamuha silang tao pagkatapos ay mag-iiba na lamang ang nararamdaman.

Parang isang mascot sa kilalang kainan. Isusuot ang pekeng maskara at pagkatapos lalabas ang tunay na pagkatao ng taong nagsusuot nito.

Hindi naman nating puwedeng sabihing plastik, mapagpanggap at kung ano pang panglalait. Kasi hindi natin alam kung ano ang kanilang pinagdaraanan.

Paano ka nga ba mamuhay bilang isang tao?

Aakto ka nga bang normal kahit sa kaibuturan mo'y nabibigatan ka na...nasasaktan ka na?

Bibigyan mo ng magandang dahilan o rason ang mga taong kagaya mo upang mabuhay ng naaayon sa kanila.

Siguro ang magandang tanong para sa pambungad ng librong ito ay kung paano natin matutulungan ang isa't isa?

Paano natin matutulungan ang taong nilalamon ng kadiliman sa paraang hindi natin sila hinuhusgahan?

Ikaw, tanungin mo sarili mo. Paano mo nga ba babaguhin ang mundong ito nang walang nasasaktang iba?

PAANO? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon