PAANO ba ang magmahal?

96 4 7
                                    




Sabi nila kapag inlove ka tumitigil ang mundo...pamilyar ba? Oo, tama ka riyan. Isang gasgas na linya na nanggaling sa librong pinamagatang 'She's Dating The Gangster.'

Hindi ko nga alam kung bakit madali nang mapasagot ang nililigawan mo sa panahong ito? Dati kailangan mo munang maghirap bago mo makuha ang puso ng minamahal mo, mag-iigib ng tubig, magaararo sa taniman at kung anu-ano pang sayad dilang trabaho.

Ngayon simpleng 'HI' at 'Hello' lang sa mga sosyal *maarte bes* medya, kayo na agad. Mas nauna pang malaman ni Pisbuk na kayo ng dalawa kaysa sa mga Mudra at Pudra mo, kaloka.


Paano nga ba ang magmahal? Hindi ko alam kung ano ang pinupunto ng katanungan na ito kasi maraming pasikot-sikot kapag nagmamahal ka ng isang tao.

Nariyan na ang ibubuwis mo ang kakarampot na pera mo para makabili ng mga luho niya subalit dumarating din ang panahon na wala na 'yong mga kuwenta sa kanya.

TSOKOLATE? Napapanis 'yan, nilalanggam katulad nang pagmamahal mo sa kanya, ni hindi man lang niya nagagawang pansinin.

TEDDY BEAR? Kakapitan 'yan ng alikabok, katulad nang ginawa niya sa puso mong naghihintay. Sa una'y pinoprotektahan niya pero kalauna'y hindi na siya nagbibigay ng kaunting oras sa iyo. Iniiwan niya lang nakatiwangwang sa isang sulok.

ROSAS? Malalanta rin 'yan, animo'y isang halaman na kapag hindi nadiligan o inalagaan e mamamatay.

Paano nga ba maghamahal? Sa paraan bang ipipilit mo ang iyong sarili sa kanya gayung kitang-kita nang buong mundo na hindi kayo para sa isa't isa?

Naitanong mo na ba sa sarili mo kung ika'y nasaktan na dati? Naitanong mo na ba sa sarili mo kong kakayanin mo pa kayang masaktan ulit pero sa pagkakataong ito'y mas malala pa ito sa iyong inaasahan dati, nag-iiwan kasi ito ng peklat sa puso.

Sa tanong na Paano nga ba magmahal na hango sa kanta nina Sarah at Piolo, palagi na lamang bang kailangang masaktan? Siguro nga't tama ang saloobin ng kanta ngunit siguro mas nararapat kung ititigil mo na ito, ititigil mo na ang kahibangang ito kung sobra na ang sakit na iyong natatamo?


Paano nga ba magmahal kung ang minamahal mo'y may mahal na iba?

Paano nga ba magmahal kung ang puso mo'y halos hindi na humihinga?

Paano? Paano?!

T*NGINA! Bago mo tanungin kung paano magmahal. Tanungin mo muna ang sarili mo kung handa ka na ba? Tanungin mo ang sarili mo kung handa ka na bang itaya ang lahat sa'yo para sa pag-ibig na iyong ipinaglalaban.


Dahil sa huli'y ang mabubuo mong sagot sa katanungan na iyong ibinabato ay kung,

Paano mo mamahalin ang sarili mo sa kabila nang lahat ng sakit na iyong iniinda.


Mahalin mo muna ang sarili mo bago ang iba. Mahalin mo na lahat pero huwag mo lang kakalimutan isama sa listahan ang iyong sarili.

Kasi kapag ang puso'y nawasak ito'y mabubuo ngunit mag-iiwan 'yan ng lamat. Isang lamat na babalik-balikan mo kung paano ka nagpakatanga sa larangan ng pag-ibig.

Sa susunod na ika'y magmamahal ulit, hindi ka na magtatanong ng mga 'Paano' dahil napagdaanan mo na ang lahat ng iyon at kung sakaling magbalik man ang katanungang iyon ay handang-handa ka nang harapin ito.

PAANO? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon