PAANO ka magiging akin?

65 3 0
                                    


'Uy binabasa mo ito kasi gusto mong malaman kung paano siya mapapasa'yo noh?

Pero paano kung ang susunod na parte ng librong ito ay patungkol sa kung paano mo makukuha ang pinaka-aasam mong pangarap, bagay at atensiyon?

Paano nga ba makukuha ang inaasam mong pangarap? Kung sa simula pa lang ay ginagawa ka ng robot ng mga kodigo't mga pangongopya.

Wala namang masama sa pangongopya bes, pero please kopyahin mo ang mga sagot huwag naman pati erasures nila, napaghahalataan ka na bes na desperado kapag ginawa mo pa 'yon.

Mayroon nga akong kilalang kaklase ko na ganyan ang gawain. Dahil sa kakakopya niya e halos kopyahin na rin ang pangalan ko!

Ayon! Nahuli siya ng titser namin at pinakita sa buong klase namin ang pareho naming mga sagot. Kulang nalang yatang tawaging kambal tuko ang mga ito nang dahil na rin sa pareho kami ng tinta ng bolpen at maging ang pangalan nitong HBW , mygosh!

Mabuti na lamang at ngayo'y nag-aaral na siya sa isang kilalang unibersidad dito sa Pilipinas. Tinigil niya na ang pangongopya ng sagot at nag-aral na siya ng mabuti. 


Paano mo makukuha ang bagay na iyong gusto?

Sa paraang kailangan mong gumasta?

Sa paraang kailangan mong talikuran ang lahat ng bagay para sa isang bagay na gustong-gusto mo?

Minsan nasubukan ko nang sumugal sa ipinagbabawal nila...ni Tadhana. Wala akong pakialam kahit masakit dahil ang mahalaga'y masaya ako. Hindi ko lang alam kung ganoon din siya?


Paano nga ba mapapasa'yo ang taong gusto mo?

Bilugan ang tamang sagot:

A.) Magpapakatanga't mamahalin siya kahit mayroon na siyang iba?

B.) Umasa kang mamahalin ka niya pabalik kasi ganoon ang ibinibigay mo sa kanya, hanggang ngayon?

C.) Gayumahin mo siya ngunit may kapalit. Dahan-dahan siyang mawawalan ng memorya, lalo ka na.

D.) All of the above kahit ikamatay mo pa.


Siguro nga't ganyan ang mga ginagawa ng mga umiibig. Wala e, masyadong mapaglaro ang Tadhana. Expert yata siya sa ganitong mga gawain.


Paano mo makukuha ang atensiyon nila?

Simple lang. Post ka lang nang post. Mag-post ka ng kung anong kaek-ekan para lang mapansin ka ng mga tao. Pero please naman kung ayaw ka nilang pansinin, huwag ka nang magpapansin. Ikaw na nga itong nangangailangan ng atensiyon ikaw pa 'tong demanding.


Walang paano pagdating sa pinagsisikapang mga bagay, lahat pinaghihirapan.

Hindi lahat ng gusto mo ay may nagaabang na Genie para matupad agad ang ninanais mo.

Okay lang umasam pero huwag sobra.

Okay lang umasa pero huwag paulit-ulit dahil masasaktan ka lang. 

*Katulad ng sinabi ng aking kaibigan pagkasabi kong 'Tayo na nga.' Hinampas ako ng katotohanang 'Na nga lang, walang TAYO!'

Okay lang maging attention seeker pero huwag naman sa maling paraan. Share your achievements and do thank them kapag pinupuri ka nila.

Huwag na huwag sanang lalaki ang iyong ulo. 

PAANO? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon