Paano hindi malungkot?

62 3 0
                                    

Simple lang, ngumiti ka lang. Pero hindi madali, hindi kailanman.

Ang iba sa'tin ay mayroong rason kung bakit ganito ang nararamdaman. Lungkot, pighati't pagtangis.

Ang iba'y iniiba na lamang nila ang usapan, sasabihing walang rason ngunit natatakot lang sabihin sa iba at mahusgahan.

Teka, iisipin mong iniiba ko ang tanong ko sa'yo, o aking mambabasa. Paano nga ba hindi lumungkot.

Naniniwala ka ba na para malaman mo ang solusyon sa isang bagay ay kailangan mo munang masaktan? Parang pag-ibig, malalaman mo lang daw na natuto ka na kung ika'y nasaktan. Parang sa pagpapabunot ng ngipin sa isang dentist, mararamdaman mo muna ang sakit ng karayom hanggang sa tuluyan kang mamanhid.

Ganyan sa kalungkutan. Kailangan mo munang alalahanin ang mga bagay na na ito upang matalo mo ito. Sila ba ang dahilan o ang sarili mo?

Mayroon nang nakapagsabing maganda raw kung dudungaw ka sa bintana, sumisikat man ang araw o 'di kaya'y umuulan.

Sa kasalukuyang ito ay ninamnam ko ang pagtipa ko rito sa istoryang ito habang pinagmamasdan ko ang tunog at halimuyak ng ulang nahuhulog sa aming yero.

Nakakatuwa mang isipin ngunit may mga alaala talagang mahirap tanggihan. Parang mga tinapay na pinapameryenda sa inyo ng inyong mga kakilala, tanggihan niyo man ay makokonsiyensya kayong kainin.

Walang permanente sa mundo. Ang kalungkutan ay hindi kailanman maninirahan habang buhay, mayroong paraan upang maging kasiyahan at ikaw ang susi. Desisyon mo kung yayakapin mo ang kasiyahan.

Desisyon mo kong magpapalamon ka nang tuluyan sa kalungkutan.

Walang may nais nito sa'yo, kagustuhan nila ang makatulong. Hindi ka kailanman huhusgahan dahil tulad mo ay naranasan din nila ito.

Maaaring mawala ang kalungkutan sa paraang hindi mo lubos isipin na solusyon.

Mag-liwaliw ka sa pamamgitan ng pagbabasa ng mga libro.

Sa paraang ito ay maaari mo pang mapalawig ang iyong kaalaman at imahinasyon. Matutulungan ka muna nitong makalayo sa reyalidad.

Manuod ng mga palabasa o pelikula mag-isa man o may kasama.

Para makalimutan ang kalungkutan ay maaari ka ring manuod ng mga pelikula. Damhin mo ang bawat senaryo at aral ng palabas. Maaari ka rin nitong ilayo sa reyalidad.

Ang mga ito ay maaaring makabawa ng iyong stress level. Ginagawa nating Eustress ang nararanasan mong distress.

Nawa'y sa mga pagkakataong ito ay mahanap mo ang hinahanap mo. May mga katanungan pa ring hindi natin masasagot, tanging ikaw lamang. Ikaw lang. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAANO? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon