PAANO tayo masaktan?

40 2 0
                                    


UNANG-UNA sa lahat tanggalin mo ang TAYO sa umpisa ng titulo nitong sinusulat ko. Dahil sa simula't sapul ay wala tayong pinagsamahan, pinagkamabutihan at kung anong pagaaway. Ni hindi nga TAYO magkakilala e. 

Paano ba tayo masaktan? Minsan sa tanang buhay natin ay dumadating tayo sa pangyayaring nakakatikhim tayo ng sakit. Pisikal man o emosyonal. 

Noong bata pa lang ako, natutunan ko na kapag narinig ko na ang bulyaw ni Mama ay siguradong may kalakip na itong pamalo. Parang multiple choice sa exam ang pagpili sa kung anong gamit ang dadapo sa aking puwetan.

A. Sinturon- Isa sa mga kinaayawan ko, ang sinturon ni Huda-- ay este sinturon ni Mama na ginagamit sa pangaraw-araw na lakad ni Papa. Mabilis  kumapit sa balat ang sakit na idinulot nito pero madali rin itong titila. Rate ko from 1-10? 6!

B. Walis tingting- Isa rin ito sa deadly weapon na kinakatakutan ko. Maaaring manggaling sa loob ng kubeta o sa likuran ng bahay kasama ang dustpan namin. Huwag niyo nang tanungin kung anong ginagawa nu'n sa kubeta. Daplis lang siya ngunit kumakapit ang sakit at nagiiwan ng palatandaan sa balat. Rate ko from 1-10? 8!

C. SERMON- Alam ko marami pang mga bagay na puwedeng ihampas o ibato sa 'kin ni Mama. Pero itong huling pagpipilian niya e parang paulit-ulit na lang sumasabay sa A at B. 

Hindi man ito masakit pagdating sa pisikal pero pagdating sa emosyonal ay animo'y peklat sa lahat ng parte ng iyong katawan lalung lalo na sa Puso't Utak. 

Ang punterya nito ay ang buo mong pagkatao. Sasabihin niya sa'yo ang lahat na naranasan niya, kung paano ka niya tinaguyod, kung paano ang estado nila bago ka magkaroon ng isip sa mundo at kung anu-ano pa. 

Lulunurin ka nito hanggang sa sumagi ito sa isip mo pagdating sa mga senaryo na kung saan ikaw ay alanganin.


Paano nga ba tayo masaktan o Paano nga tayo hindi masaktan? 

Bakit hindi ko piniling lagyan ng HINDI ang pamgat ng kabanatang ito? Dahil ba nasanay na akong maliitin, alipustahin at saktan ng mga kilala kong tao?  Dahil gusto kong maranasan ang naramdaman ko noon at hanggang ngayon?

Ang sagot sa katanungang bakit nais ko kayong masaktan? Dahil alam ko sa sarili ko na kapag nasaktan ka sa ginawa mo, kapag nadapa ka't nasugatan dahil na rin sa kagustuhan mong madiskubre ang lahat ng mga nangyayari sa mundo. 

Alam kong ang kalakip o ang palaging partner ng SAKIT ay ang ARAL. Bakit? Kasi kapag nasaktan ka ay doon lang sasagi sa isipan mo ang mga pagkakamali na dapat mong itama. 

Ginawa tayong malakas ng SAKIT na 'yun. Inihulma niya tayo na sa susunod na ay hindi na tayo muling madadapa't masasaktan. Makakaya na natin itong labanan at lagpasan.

Scars can tell the different sides of our stories. Alam ng bawat SUGAT na ito kung bakit siya nanatili sa'yong balat, nanatili siya sa 'yong balat upang ipaalala ang mga bagay na hindi mo nais mangyari. Nanatili ang isang SUGAT sa'yong katawan hanggang maging PEKLAT hanggang sa tuluyan mo siyang ituring bilang INSPIRASYON.

PAANO? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon