Chapter 15: Weekend Getaway p. III

70 6 2
                                    


l SHARRINE'S POV l


Deimo got to be kidding me! For my sanity's sake he got to be kidding me!


Imbis na maghanap ay sa cottage kung nasan ang bag ko ako dumiretso. Hinanap ko ang bag ko at nang makita ay hinalukay iyon, hinanap ko ang journal ko pero wala iyon sa lugar kung saan ko inilagay iyon.


Deimo!


Nanlulumong nilibot ko ng tingin ang lugar, wala akong ideya sa pwede niyang pagtaguan, shit.


Saan sila nagsimula? Tumayo ako at bumalik sa pwesto namin kanina pero wala na sila doon. Saan sila nagsimula? Dammit.


"Sharrina!"


Mabilis akong lumingon sa pinanggalingan ng boses ni Deimo.


"Where's my journal?"-pigil ang inis kong tanong.


"Hahanapin mo syempre."


"Damnest of you, Dei. Ibalik mo nalang 'yon!"


"Owww."-he smiled. Shit inaasar niya ba ako? Naiinis na ako tapos ngingitian niya pa ako?


"Hindi na ako nagbibiro, Dei. Give me back my journal, phone ko nalang sana ang kinuha mo!"


"Pero hawak mo ang phone mo."


Sabay kaming napayuko sa kamay ko. Bigla kong inangat iyon para ibigay sa kanya.


"Oh kunin mo!"


Bigla siyang natawa sa inasta ko. Ibinaba niya ang kamay ko.


"Sha, kung importante talaga sa'yo yong journal, hanapin mo."


"Ano ba, Deimo!"


Pinatong niya ang dalawang kamay sa magkabilang braso ko at pinatayo ako ng maayos, saka niya ako tinignan sa mata.


"Kung importante sa'yo, hahanapin mo. At kapag nahanap mo, kukunin mo at itatago. Mas pag-ingatan mo pa para hindi na makuha sa'yo sa susunod."


Tinapik ko ang kamay niya palayo sa'kin saka siya tinalikuran. Hahanapin ko nalang ang journal.


"You're talking nonsense."


"Goodluck Sha. Bilisan mong kumilos bago pa makuha ng iba ang bagay na mahalaga sa'yo!"


Hindi ko na siya pinansin pero ang sinabi niya may ibang kahulugan sa akin. I need to find my journal or I'll be doomed. Okay lang na hindi ko na makita iyon, pero hindi rin sana makita ng iba.

Fallacies of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon