Chapter 5: Deimo: The external VP

95 7 0
                                    


l SHARRINE'S POV l


Buong araw ng Sabado ay tinuon ko sa paggawa ng assignments at pag-aayos ng ilang papel sa SSG. Buong araw din ay tahimik ang bahay, busy sila tumulong kina ate Ash sa kabila kaya ako lang ang naiwan dito. Pagka Sunday naman ay naging busy na sa buong bahay, nagriready sa magaganap mamaya.


Mula sa narinig ko sa kanila kanina, dumating na raw noong Friday sina kuya Myco at ate Ash at kasabay nilang dumating ang parents ni kuya Myco. Hindi ko alam kung gaano ba kaimportante ang party pero dahil kahit si ate Gail ay umuwi dito, mukha ngang malaking celebration ang magaganap.


7pm pa mag-uumpisa ang program proper ayon sa invitation. 3pm palang ay dumating na ang mga mag-aayos sa'min. Apat sila, dalawang babae at dalawang bakla. Nagdecide akong magpahuli nalang at paunahin sila. Kapag hinuli kasi ako ay mamaya pa ako maaayusan, gipit na sila sa oras kaya hindi na nila bobonggahan.


Mas simple, mas okay.


Sa gitna ng pananahimik ko sa kwarto ay biglang tumawag si Cassy, kinulit ako tungkol pa rin kay Deimo.


"Cassy pupunta 'yon, sabi niya sa'kin."-sagot ko kahit hindi ako sigurado kung pupunta nga siya.


[Eh ate Sha! Kinulit ko siya kanina sa chat, nagreply lang siya sa'kin ng happy birthday tapos ung regalo raw niya iaabot nalang niya pag nagkita kami sa school. SCHOOL. Anong school, bakit sa school pa kung mamaya naman pupunta siya? Feeling ko hindi siya pupunta. Papuntahin mo ate.]


"Cass, relax ka nga. Nasan ka ba?"-taka kong tanong. Almost 5pm na kasi, dapat ay naghahanda na siya.


[Ayokong sabihin, hinahanap ako nina mommy. Kapag sinabi ko sa'yo eh sabihin mo sa kanila kung nasan ako.]


Nangunot ang noo ko. "What? Bakit nasan ka ba? Anong ginawa mo at bakit ka nila hahanapin?"


[Basta... ate, kapag hindi siya pumunta, hindi rin ako magpapakita sa party.]-babala niya.


"Casiel!"-inis kong tawag. "Don't be so immature, hindi mo lang iyon party, party din ng parents mo iyon at kapag hindi ka nagpakita masisira ang gabi nila."


[I'm not being immature. I just need him to be there tonight.]


Nawala ang boses niyang nagpupumilit. 


Sumakit bigla ang sentido ko. 


"Okay Cass, I'll make him attend."-pagsuko ko.


[You sure?]


"Trust me."


[Thank you, ate. Iyan na birthday gift mo, wag ka na mag-abot mamaya.]

Fallacies of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon