Chapter 64

76 1 4
                                    


Amiah Sharrine


Christmas and New Year passed in a blur. For two weeks ay sa bahay ni kuya Alden ako nagbakasyon at dumating na lang sina mama nang magbabagong taon na. Saka naman kami sabay sabay na umuwi sa bahay isang araw bago magresume ang classes.


"Ate Sharrineeeeee!"


Hindi pa man ako lumilingon ay kilala ko na kung sinong sasalubong sa'kin. And I am right, paglingon ko sa hallway ng first floor, sumalubong sa paningin ko ang tumatakbo na si Casiel.


Huminto siya sa tabi ng hagdan at kumapit sa handrail saka bahagyang tumingala sa'kin dahil paakyat na sana ako sa floor namin.


"I missed you." She sweetly added and I smiled.


Bumaba muna ako para harapin siya ng maayos. Nang makalapit sa kanya ay kinurot ko ang pisngi niya.


"Missed you too." Sagot ko saka sumilip sa orasan ko. "6:15 am palang, napakaaga niyo naman pumasok?"


"Niyo? Ako palang ang nandito, nasa bahay pa si kuya." Napataas ang kilay ko doon. "May book kasi akong naiwan sa locker, eh alam ko may activity na iniwan sa'min doon, kailangan kong pumasok ng maaga para magawa 'yon kasi baka i-check na mamaya."


Tumango ako. "I see."


Doon siya nagpaalam. "Sige na, ate. Pupunta na ako sa locker area namin, babye!"


Nagpaalam na rin ako saka dumiretso sa taas. Dahil sinabi niyang wala pa ang kuya niya, nakaramdam ako ng kaunting confidence habang paakyat.


Pagdating sa room namin ay ako pa ang nauna, hindi ko alam kung matatawa ako doon o mapapailing. Sabagay maaga pa at kagagaling lang sa bakasyon, I don't expect na maagang magsisipasok ang mga kaklase ko, I bet maraming malilate mamaya.


Binuksan ko muna ang ilaw at aircon saka ako dumiretso sa pwesto ko, kaso paglapit doon ay natigilan ako sandali dahil may kung anong regalo sa mismong upuan ko. Takang tiningnan ko 'yon at sinilip ang card. Nabasa ko ang pangalan ko doon, kumunot ang noo ko.


Kanino galing 'to?


Nilibot ko uli ng tingin ang classroom, baka kasi may dumating na pala na hindi lang nagbukas ng ilaw at aircon, baka sa kanya galing 'to. Pero wala pang kahit anong bag sa lahat ng desk dito, ibig sabihin ako ang unang dumating.


Pero kanino manggagaling 'to?


Na-curious ako pero pinili kong itabi na lang iyon sa loob ng bag ko, baka mamaya may lumapit sa'kin at magtanong kung nakuha ko ba ang regalo niya, siguro naman malalaman ko rin mamaya.


Umupo ako sa upuan ko saka nagsuot ng earphones. Mahina akong nagpatugtog saka yumuko sa upuan ko. Ang plano ko lang ay magpalipas ng oras pero nakaidlip ako ng ilang minuto. Nang maalimpungatan ako ay marami nang tao sa classroom, kahit ang katabi ko ay nandito na.

Fallacies of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon