Chapter 4: Zelo: The Corporate Commander

98 6 1
                                    


l SHARRINE'S POV l


It was sunny morning and enthusiasm's enveloping every student, special the freshmen. Why not when we're having our student's night. Isa sa mga pagkakataon na magkakaroon kami ng tyansang makilala ang ibang estudyante mula sa ibang section.


I am not interested. Since Elementary ay sa Amethyst na ako nag-aaral kaya kilala ko na higit kalahati ng students dito.


But those two...


Napaiwas nalang ako ng tingin.


Time elapsed and I found myself struggling in my dress and high heeled sandals. I never wanted to attend in the first place but my friends forced me. I obliged. Pero ngayon sila naman ang hindi ko makita. I am looking for them para makapagpaalam, uuwi na ako and I'm hoping na sasabayan nila ako.


But where are them?


Dahil sa paghahanap sa kanila ay napadpad ako sa catwalk na nagcoconnect sa main building at multi-purpose hall. At imbis na magpatuloy sa paglalakad ay napahinto ako upon seeing a girl and boy sitting at the cemented bench. Wala silang ginagawa maliban sa magkashare sila ng earphones, I can guess that they're sharing same music. Hindi ganoon kadilim ang gabi, thanks to the full moon, kaya it is not hard to sight that they're enjoying each others company.


I suddenly felt a pinch on my chest. Imbis na magpatuloy ay tumalikod nalang ako at naglakad pabalik sa pinanggalingan ko... ang lakad ay naging takbo without me noticing it. Hanggang sa na-out balance ako dahil sa heels na suot ko, mabilis na bumagsak ang kaliwang tuhod ko sa lapag bago pa may sumalo sa braso ko.


Napaangat bigla ang tingin ko sa taong nasa harap ko, at kasabay no'n ang hapdi na naramdaman ko sa tuhod.


"Woaaah."


Napaayos ako ng upo at biglang napalingon sa paligid, ang kamay ko nasa tuhod ko na akala ko totoong nasaktan.


A dream.


Yumuko ako sa desk ko, gusot na pahina ang nakita ko.


Nakatulog ako.


Bigla akong nataranta at napatingin sa wrist watch. 6:48pm. Oh my God. Kailangan ko nang lumabas, masasara ang gate ng 7pm. At baka hinahanap na ako sa bahay.


Basta kong sinalampak sa bag lahat ng nakalabas kong gamit. Wala ring kwenta na nagpaiwan ako dito, tinulugan ko lang ang dapat sana ay tapos ko nang assignment. Magkacram na naman ako ngayong weekend neto. 


Nang mapasok ko na sa bag lahat ng gamit ay mabilis ko iyong sinukbit sa likod at tumakbo palabas.


Pero nang nasa pinto na ako ay may taong biglang lumitaw doon. Nagulat siya sa'kin pero mas nagulat ako sa kanya kaya napaatras ako at napatili.

Fallacies of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon