Chapter 28: Sportsfest II

55 6 4
                                    


SHARRINE'S POV


"Dei, you're here at last. Nasaan na ang seat plan?"


"Here."-inabot niya sa'kin ang papel, hindi ko kinuha iyon and instead itinulak siya palabas ng building. "Pumunta ka na sa multi-purpose hall and assist Eros and the rest there, medyo napaaga ang visitors so we need to double time."


Hindi na siya nagsalita at matapos tumango ay umalis na rin siya. Ako naman ay paakyat sana ng hagdan nang mapansin ko si Casiel na nakatayo sa harap ng isang lalaki. Napalingon ako sa lalaki at ang una kong napansin ay ang PE uniform niya.


He's from Thelistine High.


"Nice to see you here, Casiel."-the guy greeted at napakunot ang noo ko.


Kilala ba ni Cassy 'yan? When I turned my gaze to her, hindi ko mabasa ang expression niya. Hindi ko alam kung gusto niya bang magkunot ng noo o ngumiwi.


"E-Eh, of course, dito ako nag-aaral eh."


Napakamot ang lalaki sa batok niya. Unti-unti ay parang nagiging familiar sa'kin ang itsura niya, parang nakita ko na siya somewhere.


Now my curiosity grew bigger.


"Sharrine!"


Napapitlag ako nang mula sa likod ko ay may tumawag ng malakas sa'kin, paglingon ay si Zelo ang papalapit, and he's in his full fatigue. Sandali akong na-mesmerize sa lakas ng dating niya.


"You're looking for me?"-tanong niya pagkalapit.


Tumango ako at may inabot na papel sa kanya, "That's the new program flow, check it dahil baka may nabago kami na makakaapekto rin sa entrance of colours, baka magkagulo bigla mamaya due to miscommunication. I'm handing that to you ahead of time just to be sure."-mula sa likod niya ay natanaw ko si Nikita na parating. 


"Hey."-Nikita called out when she noticed na nakatingin na ako sa kanya. "Where are the visitors?"-lumipad ang tingin niya sa nasa harap ko, si Zelo naman ay napalingon sa kanya. "Ow, Zels, in fairness last year hanggang type B ka lang, ngayon naka-full fatigue ka na. Ang gwapo mo dyan, tabi kayo ni Sharrine, kukuhaan ko kayo ng picture."


Bago pa ako makapagprotesta ay naiangat na ni Nikita ang hawak niyang camera, ni wala na siyang inayos sa settings and the moment she held it up, clinick na niya agad ang shutter, wala na akong nagawa.


Maya-maya pa ay sinilip niya iyon. "Pwede na rin, real time, parang stolen."-ibinaba niya ang cam at humarap sa'min. "We need to consult something kaya ako lumapit. Tara sa multi-purpose hall."


"About what?"-tanong ko bago naunang humakbang, napalingon pa ako sa kinatatayuan ni Casiel kanina pati ng lalaking kausap niya pero wala na sila doon ngayon. Well, mamaya ko na iisipin ang tungkol sa batang 'yon.

Fallacies of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon