Chapter 18: Try-out

56 6 4
                                    


SHARRINE'S POV


Magkasunod kaming bumalik ni Callix sa room bago pa man matapos ang break, naabutan pa namin sa hallway si Deimo at Casiel. Gustong dumaan ni Dei pero hinaharangan siya ni Cassy, halata sa itsura ni Dei na naaasar na siya pero walang magawa. Sakto namang nakaharap sa side namin si Dei at si Cassy ang nakatalikod kaya naman agad kaming napansin ni Dei. Tinawag niya ako at dahil doon ay napalingon sa'min si Cassy. Napaayos siya ng tayo at nanlaki ang mata nang makitang nakita siya ng kuya niya.


Mabilis na nilampasan ni Dei si Cass at lumapit sa'min, kunwaring kumapit siya sa braso ko.


"Anong arte 'yan, Deimo?"-tanong ko na inalis ang kamay niya sa'kin.


"Ewan ko ba dyan sa pinsan mong hilaw kasi, basta bastang nanghaharang."


Mula sa pagkakalingon kay Dei ay humarap si Callix sa kapatid niya.


"What's this, Casiel?"


"Eh kuya..."-tumingin sa'kin si Cassy, nagpapasaklolo, mabilis akong nilingon ni Callix at binalaan gamit ang tingin. Nabasa iyon ni Deimo kaya bigla siyang kumapit sa'kin at hinila ako papasok ng room.


"Dei bitaw, makakalakad ako."-reklamo ko habang naglalakad papasok ng room.


"Baka tumakbo ka kay Casiel, ang malala, kung isama mo 'ko."


"Siraulo ka ba?"


Binitawan niya ako bigla saka humarap sa'kin. "Eh ganon kay Sha eh! Gano'n na gano'n! Magugulat nalang ako katabi ko ung batang 'yon dahil sa'yo. Kaya minsan nakakadala ka nang kasama eh."


"Eh ba't dikit ka pa rin nang dikit?"


Hindi siya nakasagot.


"Hoy."-napalingon kami sa isa naming kaklase. "Ano, babara nalang ba kayo dyan sa daan?"


Doon ko lang napansin na nakaharang na pala kami sa pinto. Tinulak ko si Dei saka naunang pumasok sa loob. Umupo ako sa upuan ko saka tinanaw ang labas. At hindi ko alam kung maaawa kay Cassy o matatawa nang makita kong nagpupumiglas siya habang nakaipit ang ulo niya sa braso ng kuya niya saka siya kinokotongan.


Pero nawala ang awa o tawa ko nang makita si Deimo, akala ko sumunod siya sa'kin dito pero binalikan niya sina Callix. Natigil ang dalawa sa pag-aaway at napatingin kay Dei noong lumapit siya.


Imbis na umupo lang ay tumayo uli ako para lumapit sa may pinto.


"Look, kuya! Deimo's here to save me from you!"-narinig kong bulalas ni Cass dahilan para yukuin siya nina Callix.


Malakas na nagpumiglas si Cassy at doon siya nakawala sa kuya niya. Mabilis siyang tumakbo palapit kay Deimo na agad umatras at hindi sinasadyang binatukan si Cassy.

Fallacies of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon