CHAPTER EIGHT : AFTERMATH

24 2 0
                                    

Nakabalik na ang mga guards at ang mga koreano sa cafeteria 

"ano yung sumabog kanina ? " tanong ni Dominic 

"nasaan si Miki ? " tanong ni Kat 

"hindi namin siya nakita . wala ng mga tao sa girls dormitory pag punta namin kanina." paliwanag ni Chief. 

"teka .. nasaan si Mikey ? " tanong ni Dixon 

"Mikey's gone" sagot ni Ethan 

wala silang magawa kundi maiyak nalamang sa sinapit ng kanilang mga kaibigan. 

natahimik ang lahat ng may narinig silang kumakatok sa pintuan. 

"Guys ! nandiyan ba kayo ? " 

"Si Miki ! Si Miki ! buksan nyo ! " sigaw ni Kat 

Pinapasok nila si Miki . Parang walang ka alam-alam si Miki sa nangyayari . 

" oyy , anong ginagawa nyo rito ? yung mga mokong iniwan ako " reklamo ni Miki 

lumapit sila at niyakap si Miki . 

"mabuti naman, okay ka lang . " 

tiningnan ni Chief ang relo niya , 2:30 am 

nagpaalam muna si Chief sa kanila na pupuntahan muna sina Mr. Salva sa monitoring rooms. 

"wag kayong matulog ng sabay-sabay para may nagbabantay . babalik kami pagsikat ng araw . kung may 

mangyari man pupuntahan agad namin kayo dito , hihingi muna kami ng tulong." 

nang silang labingdalawa nalang ang nasa cafeteria , hindi na mapakali si Rex . 

alam niyang isa lang sa kanila ang salarin . 

nang makarating sina chief sa Monitorng rooms ay naabutan nilang nag-aayos ng mga tapes sina Mr. Salva at isa 

pang guard. 

Itinago na pala nila ang naaagnas na katawan ni Mr. Stanley 

"natawagan nyo na ba ang mga police ?" 

" Chief , may sumira sa main radio , hindi tayo makaka-communicate sa siyudad. " 

"ha ? " napasuntok si Chief sa pader ng malaman nya iyon. 

iyon nalang ang tanging komunikasyon nila sa siyudad . kung wala iyon ,kailangan na talaga silang pumalaot . 

"Chief diba may mga mag de-deliver ng mga supplies dito ?" tanong ng isang guard 

"mga tatlong araw pa yata bago sila dumating , sa tatlong araw , hindi tayo sigurado kung buhay pa ba tayo 

nyan . " 

"Sir , may nakita po ako sa video ! " sigaw ng isang guard 

tiningnan nila ito , nakita nila ang isang taong nka suot ng Varsity Jacket na may Maskarang Demonyo . Gusto nilang 

palitan ang anggulo pero hindi nila alam kung paano . Sensitibo ang device , isang mali ay mabubura ang lahat . 

Iniba kasi ni Mr. Stanley ang settings nang sa ganon siya lang ang may control sa lahat . 

"May mga estudyante akong magaling sa mga ganitong bagay ! " 

"papupuntahin ko sila dito pagsapit ng umaga . " 

"Chief pupunta po kami ngayon sa siyudad para humingi ng tulong " suhestyon ng guard 

"delikadong pumalaot ngayon , malakas ang hangin . " 

HARPERS ISLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon