CHAPTER THIRTEEN : ANSWER DEATH

29 2 0
                                    

[PARKER'S POV] 

"Ano yan ? bakit may kahoy diyan ?! " tanong ni Rex 

sinabi ko sa kanila ang mga hinala ko.. 

" Sa mga kuha ng CCTV , parating nawawala at hindi mahagilap ang mga katawan nila gaya nung kay Abby . 

Noon ding sa basement , diba never nating nakitang lumabas doon ang salarin o kahit na sino pa . walang 

ibang pintuan o bintana doon At yung kanina .. Dead end na yun . Tanging paraan lamang na bigla siyang 

mawawala at lilitaw ay dahil dito , mga lagusan ...." 

" Totoo pala yung sabi sabi ng ibang mga alumni noon ... This school wa built on this island right after World 

War 2 kaya daw inihanda in case magkaroon na naman ng digmaan.. " sabi ni Rex 

"Ayos din pala ng skwelahan natin . Ready sa digmaan pero sa psychopathic killer , walang makakatulong sa 

atin... " 

napatingin ako sa relo ko ... 

nakita ni Rex na tiningnan ko ang relo ko at nagtanong ng oras.. 

"9:57 na ..." 

"di ba tayo kakain ? " sabi ni Robbie 

"kayo lang muna .. " hindi ko kayang kumain habang nag-aalala kung ano na ang kalagayan ng iba. 

"Parker kailangan mong kumain , mas makakatulong tayo sa kanila kung may lakas tayo . "Sabi ni Rex 

kumain muna kami at hinarangan ang lagusan just in case ...... 

"Diba dapat nasa Siyudad na ngayon si Chief ? " tanong ko 

"Oo pero hindi tayo nakasisisguro dahil baka may patibong na naman. " sabi ni Robbie 

"nakaalis pala si Chief kanina ? sana nga nakahingi siya nang tulong...." sabi ni Rex 

natapos na kaming kumain at naghanda ng aming mga armas . may natitirang apat na shotgun , di namin alam kung 

paano ito gamitin at kung may sapat ba itong bala . May mga pepper spray din na magagamit namin. 

"Blueprints ...... " sabi ni Robbie 

"Anong Blueprints ? " tanong ni Rex 

"blueprints , nandoon ang detalye at structure ng buong school . Malalaman natin ang lahat ng mga 

sikretong lagusan dito." sabi ko 

"ang tanong ... nasaan nakalagay ang blueprints? " Rex 

"baka nandito .. hahanapin ko .. " Robbie 

"May iba pang paraan . " sabi ko at lumapit sa monitors . ini rewind ko yung isang camera nung gabing mapatay si 

Abigail . 

"Kung tama ang hinala ko , nandito sa bandang dulo nang cafeteria ang isang lagusan. Hindi na ito naabot 

nang CCTV kaya hindi natin sila nakikitang bumababa sa lagusan " 

"Sure ka ba diyan Parks ? " tanong ni Robbie 

"Oo , yan lang din kasi ang tanging logical explanation. " 

___________________________________________________ 

[Narration] 

Hingal na hingal si chief . Patuloy siyang nagsasagwan. 

patagal nang patagal ay lumalakas na ang alon . 

walang awat sa pagdadasal si Chief . Maaring ito na ang huling sandali nang buhay niya. 

HARPERS ISLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon