CHAPTER SEVENTEEN : ROLL THE DICE

28 1 0
                                    

[PARKER'S POV] 

"Ethan ! lumabas ka ! " sigaw lang ako nang sigaw habang umiiyak. 

ngunit hindi na siya lumilingon sa akin. Parang may kausap siya. 

Kinumbinsi ko ang sarili ko na umakyat nalang at sundin ang sinabi ni Ethan. Maingat ako sa pagakyat sa hagdan , 

isang maling hakbang at siguradong malalaglag ako. 

bigla akong nakarinig ng putok ng baril galing sa kwarto kung nasaan si Ethan. 

Iyak lang ang tanging nagawa ko. ibinuhos ko ang lahat nang galit ko sa pag-akyat ko sa hagdan. Hindi ko na naman 

natulungan ang kaibigan ko . 

nakita kong bukas ang bintana malapit sa boys dormitory kayat doon na ako dumiretso. 

sa wakas , nakapasok nadin ako . hindi ko maiwasang umiyak ng dahil sa mga nangyari . Never kong inakala na 

mangyayari to sa akin. 

napakadilim ng kwartong napasukan ko. hinahanap ko ang switch ng ilaw nang bigla akong nadapa , nakaramdam 

ako na may nahawakan akong basa. 

Dali dali akong bumangon para buksan ang ilaw . Nagulat ako sa aking nakita , nakahiga sa kama ang walang buhay 

na katawan nina Jonas at Pido. 

Tinakpan ko nalang ang bibig ko para walang makarinig sa akin. Napatingin ako sa mga gamit na nasa side Table . 

Nakakita ako ng ID .. kay KEVIN ang ID 

oh my God . Baka si Kevin nga ang salarin 

bigla akong nakarinig nang sigaw ! 

kilala ko ang sigaw na yun , Kay Kat yun ! 

Lumabas ako mula sa kwarto nila Kevin at Sinundan kung saan ko narinig yung sigaw. 

Nakita ko ang salarin ! pilit niyang binubuksan ang Principal's office . Malaki ang hinala kong nandoon sina Kat sa 

loob. 

naalala ko ang sakripisyo ni Ethan. Ginawa niya iyon dahil bestfriend niya ako. 

Hindi ko natulungan si Ethan pero maari pa akong makatulong sa isa ko pang bestfriend. 

"nandito ako!" sumigaw ako para matuon sa akin ang atensyon ng salarin at tigilan niya sina Kat. 

Napatingin siya sa akin ngunit hindi niya ako nilapitan sa halip ay ipinagpatuloy niya ang pwersahang pagbukas sa 

principal's office. 

nagulat ako sa inasal nang salarin. 

Kahapon lang ay gustong-gusto niya akong patayin pero ngayon hindi na ?! 

"tigilan mo na sila ! nandito ako ! ako ang patayin mo! " 

biglang humarap sa akin ang salarin at lumapit sa akin. Natakot na ako kayat tumakbo na ako. 

I was so stupid. Malayo layo na ako mula sa principal's office at hindi ko na naririnig ang bakas nang paang 

humahabol sa akin . Lumingon ako , hindi niya talaga ako sinundan . Bigla akong nakarinig ng putok nang baril. 

"Oh my God " 

lumayo nalang ako at nagpatuloy na pumunta sa monitoring rooms. 

__________________________________________ 

HARPERS ISLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon