EPILOGUE:

80 1 1
                                    

EPILOGUE: 

[DOMINIC'S POV] 

bagong gising lang ako. Kinuha ko agad ang cellphone ko . 

tinawagan ko siya pero as usual voicemail parin. 

" Hey there ! Its me Parker. Please leave a message after the beep . " 

*BEEP* 

ibinaba ko pagkatapos idinial ko ulit. 

" Hey there ! Its me Parker. Please leave a message after the beep . " 

*BEEP* 

"Hello bunso ! Pasensya na ha , tawag ako ng tawag , ang sarap kasing pakinggan ng boses mo eh. 

Pagpasensyahan mo na , miss na miss na miss na kasi kita . Musta ka na diyan? Okay lang sina Mommy at Daddy 

.Sana masaya ka kung nasaan ka man ngayon. Graduation na nating ngayon , Sana nandito ka , sana nandito kayo 

ng iba. Its been really tough for the past 6 months. isinara na ang school kayat homeschool kaming mga seniors. 

Yung mga ibang year pinalipat na. Hindi masaya ang Graduation day dahil di kita kasama, ang gwapo ko pa naman 

sana sa toga ko. By the way, mag popropose na ako kay Kat next week. I Love you Paker , Miss na miss kita...bye " 

hindi ko maiwasang maiyak . hanggang ngayon di ko parin tanggap ang pagkawala niya. Pinanood ko yung video ng 

huling habilin niya.. Nang dahil doon medyo gumagaan ang pakiramdam ko. 

Alam kong hindi ako sasagutin ni Parker kapag tinawagan ko siya . 

Pero parati ko parin siyang tinatawagan ng saganun hindi ko maramdamang wala na ang kapatid ko. 

Nasa graduation ceremony na kami . Napaka weird , sa section namin ay apat lang kami. 

Si kevin nakasaklay parin. 

Mabuti nalang at okay pa ang mga kamay ni Kat . Makakapagpinta pa rin siya 

Si Robbie naman medyo may trauma pa sa mga nangyari pero itutuloy niya ang pagpunta sa New York na mag-aral. 

Napagdesisyunan namin ni Kat na pumunta sa New York. Mag-aaral siya doon sa Arts at Ako naman , itutuloy ko 

ang pangarap ng kapatid ko. 

nakakatuwa pagmasdan ang mommy at daddy ko , masaya sila sa paggraduate ko. Hindi nila pinapakita sa akin na 

nasasaktan parin sila sa pagkawala ni Parker. 

Iniisip ko nalang din na nasa tabi lang siya nina mommy at daddy , pini-picturan ako... 

Napatingin ako sa mga bisita sa Ceremony . Nakita ko sa malayo si Chief , retired na siya. 

Napatawad na namin siya , wala naman talaga siyang kasalanan . Hawak siya sa leeg ng gahaman naming principal 

noon. Hindi namin siya masisisi. 

Ewan ko ba kung guni-guni ko lang yun pero bigla akong nakakita nang babaeng nakatayo sa likod sa upuan ng 

mga parents . Nakita ko si Parker katabi si Grey pati yung iba naming kaklase na pumananaw noon. Parang masaya 

ang kapatid ko. 

Ipinikit ko ang aking mga mata upang makasigurado .. 

Pagdilat ko sa aking mata , wala na sila ... 

pakiramdam ko gumaan ang pakiramdam ko dahil sa isang maikling panahon 

nakita kong masaya ang kapatid ko 

.............................THE END.................................. 

thanks for reading :)

HARPERS ISLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon