CHAPTER NINE : TRUST NO ONE

32 1 0
                                    

tumakbo ang lahat paalis ng monitoring room at naiwan na lamang si Mr. Salva na nag-iisa , nakatulala , di parin 

makapaniwala sa nangyari 

Gulat na gulat sila sa kanilang nadatnan , gumuho ang ibat-ibang parte nang cafeteria . Maaring may mga natabunan 

doon .. 

"GREY !!! " tawag ni Parker na umiiyak habang ginagalugad ang guho 

"Kat ! " tawag din ni Dominic 

pero walang sino man ang sumasagot sa kanila . 

Ilang oras din silang naghahanap nang senyales na may buhay na na-trap sa guho . 

Samantalang sa monitoring rooms , patuloy sa pag ro-rosaryo at pag-iyak si Mr. Salva na Mistulang tinakasan ng 

katinuan ng dahil sa mga pangyayari. 

Dahan-dahang bumukas ang pintuan . pumasok ang salarin na nakasuot ng jacket at maskara ng demonyo. 

Pero , si Mr. Salva ay nakatulala parin kahit na humarap na sa kanya ang salarin 

" Sa tingin mo , hindi kita papatayin ng dahil sa dasal mo ? " sarcastic na sabi ng salarin 

nang walang ano-anoy , Sinaksak niya sa tiyan si Mr. Salva . 

"lintik lang ang walang ganti , Mr. Salva " sabi nang salarin habang hinihintay na malagutan ng hininga si Mr. 

Salva 

umalis na agad ang salarin ng masigurong wala na siyang buhay . 

Samantala , iyak pa din ng iyak si parker sa maaaring nangyari sa mga kaibigan nito 

"Chief , sa lakas ng pagsabog , may posibilidad naman diba na may nakarinig at tutulong sa atin diba 

?" tanong ni Parker 

pero napaluhod nalang si Chief 

"DIBA ?! " tanong parin ni Parker 

"kuya narinig nila yon Diba ? kuya diba ? " hysterical na si Parker . 

niyakap nalang siya ng kuya niya . at napaiyak na ng lubusan . 

Si Robbie , di parin umiimik . panay lang ang pag agos ng kanyang luha . 

alam nilang napakalayo pa nila mula sa siyudad , milagro lamang na may dumaan na ibang bangka at narinig ang 

pagsabog 

"Kunin nyo ang kung ano mang supplies ang makuha nyo , sa monitoring rooms tayo pansamantala . 

Siguradong safe tayo doon . may kukunin lang muna ako . " utos ni Chief 

Kinuha na nila ang mga maaring mga gamit nila , mga kutsilyo , tubig at pagkain . 

Ilang mga minuto ang lumipas , dumating si Chief na madaming dalang mga baril at armas . napatingin ang tatlo . 

"Cool " ang tanging nasabi ni Robbie sa nakita . 

nanggaling pala si Chief sa Guard House . 

"itinago ko itong lahat in case of emergency and this counts as an emergency . " 

"Parker... " tawag ni Dominic sa kapatid na halos wala na sa sarili 

____________________________________________ 

[PARKER'S POV] 

iniisip ko palang na wala na si Grey ay parang di ko na kaya. 

Si Grey kasi yung taong nagpatunay sa akin na totoo pala ang pagmamahal. 

HARPERS ISLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon