"pakibalik yung asawa ko"

34 1 0
                                    

“PAKIBALIK YUNG ASAWA KO”

3 years ago, tinamaan ako sa babaeng ‘to. Nursing course niya samantalang Engineering naman ako. Nalaman ko na 21 years old siya, mas matanda ko sa kanya ng 2 years lang naman. Niligawan ko siya, after non pagtapos namin grumaduate, nabuntis ko siya. Pinanagutan ko naman e, niyaya ko siyang magpakasal hindi dahil binantaan ako ng tatay at mga brusko niyang kuya, dahil din sa kagustuhan ko kasi mahal ko siya e. Pero hindi ganon kaganda yung nangyari sa relasyon namin. Nalaglag yung baby namin nung 3months na yung tyan niya. Grabe iyak ako ng iyak non, ganon din siya. Nagalit ako sa kanya ng sobra. Sinisi ko siya sa pagkawala ng anak namin.

After nung nangyari, nawalan nako ng gana sa kanya. Galing work, uuwi ako sa bahay ng lasing o kaya naman sinasama ko workmates ko at doon kami iinom sa bahay. Uuwi siya ng bahay, maabutan niyang sobrang kalat, puro bote ng alak, yosi at damit na kalat-kalat kung saan kasi nagdadala ng babae yung mga workmates ko. Nasa sala ko non nakahilata, ginising niya ko. Sa tindi ng hang-over ko nahampas ko siya ng damit non, naalimpungatan kasi ako. Kita ko yung sakit sa mukha niya pero hindi niya ininda, dumerecho nalang syang kusina at pinag-timpla ko ng kape. Pag-gising ng mga workmates ko at mga babae nila, nagpaalam na silang uuwi na pero biglang nagtanong yung babae ng isa kong workmate..

V
B: Sed asawa mo?
Narinig yon ni KC (name ng asawa ko) kasi nililigpit nya yung mga kalat namin.
A: Ha? Hindi katulong.
Nag-tawanan kami non pero patuloy pa din siya sa pagliligpit.

Napapadalas yung ganong routine samin. Nalulong nako sa alak, palagi akong nasa casino, sinusugal ko lang yung mga perang sini-sweldo ko wala kong binibigay sa kanya. Madalas na din ako sa bar, lahat ng nakikilala ko may nangyayari samin. Nakilala ko ‘tong si Hanna, dancer sya sa bar, ka-age lang ni KC. One time, sa sobrang lasing ko dinala ko sya sa bahay. Hindi ko alam kung anong oras ang uwi non ni KC pero wala akong pakealam. Doon may ginawa kami ni Hanna na ikakasakit ng damdamin ni KC kung malalaman niya. Lasing na lasing kami parehas non, mga damit nakakalat sa bahay, diko na alam nangyari basta nakatulog nako. Kinaumagahan paggising ko, nakahiga pa sa braso ko si Hanna, pareho kaming walang saplot. Nakita kong bukas yung malaking cabinet namin, bukas din yung pinto ng kwarto kaya nag-tapis ako at lumabas ng kwarto. Nakita ko yung buong bahay ang linis, yung mga damit na nakakalat sa salas nakatupi lahat. Napapamura nako kasi baka umuwi mommy ko at akala nya si KC ang kasama ko. Pagpunta ko sa kusina, may nakahain na pagkain. Babalik na sana ko ng kwarto para mag-bihis pero nakita ko yung sulat sa ref.

“Sed, pasensya ka na kung madalas gabihin ako ng uwi. Pasensya ka na kung may mga pagkukulang ako bilang asawa. Nasaktan ako nung naabutan kong may kasama ka sa kwarto kaya napag-desisyonan kong umalis nalang. Ok Sed, binibigyan na kita ng laya. Patawad kung dahil sakin nawala ang baby natin. Mag-iingat ka palagi ha. Kumain ka na, I love you Sed.”

Hindi ko alam gagawin ko non. Tangina talaga. May kumirot sa puso ko non, ang gago ko. Lumipas ang isang buwan wala kong contact sa kanya, unattended na din pag tinatawagan. Mga kaibigan nya hindi sinasabi kung nasan si KC kaya nag-decide ako na puntahan nalang mismo sa kanila pero wala din daw don. Kinwelyuhan nako ng kuya nya kaya sinabi kong isang araw palang hindi umuuwi at baka nasa bahay ng katrabaho niya kaya hahahanpin ko nalang sabi ko. Naiinis nako non at minumura ko na sa isip ko si KC, tang*na bakit ganon siya, isang buwan mahigit na siyang hindi umuuwi ng bahay. Dati hindi naman siya ganon ah bakit ngayon nagmamatigas na siya.

September. 29, 2015 around 8pm may natanggap akong text...
From: Utoy (pinsan ni KC)
Kuya Sed nasan ka hindi mo man lang ba pupuntahan si ate? Ike-cremate daw siya nila auntie. Pumunta ka na dito kung gusto mo siya masilayan sa huling pagkakataon.

Tumigil mundo ko non. Napamura ko ng malakas at nagsisigaw non. Dumerecho nako kung saan yung lugar na sinabi ni Utoy, tangina sa isip ko pag ginagago lang ako non susuntukin ko talaga siya hindi magandang biro yon e. Pero nanlambot ako, yung tuhod ko nanginginig ng makita ko yung picture ng asawa ko sa banner ng pang-patay. Tangina! Totoo ba ‘to? Sinalubong ako ng kamao ng mga kuya ni KC. Hindi ko na mabilang ilang suntok ang inabot ko, napahiga nako nung inawat ng mama ni KC yung mga kuya niya. Tumakbo ko sa kabaong, doon nakita ko asawa ko, nakahiga, walang buhay. Doon na bumagsak mga luha ko. Hindi ko na alam nangyayari basta alam ko niyayakap ko kabaong ni KC non, muntik pang tumaob kaya inalalayan ako ng mama niya at niyakap habang umiiyak. Nalaman ko na, yung huling paalam pala sakin ni KC doon na siya tumutuloy sa bahay nila mismo. Nung nagpunta ako sa kanila para ipagtanong siya, nandon pala sya sa kwarto pero depressed na pala siya non dahil sa nangyari. Nakiusap lang siya sa pamilya nya na huwag sabihin na nandon siya. Ayaw kumain ni KC, hindi na din tinuloy ang pagw-work, hindi na nakakausap ng maayos. Nadatnan nila asawa ko sa kwarto bumubula bibig, ininom yung pampaturok sa rabies. Diko kinaya yon, dahil sakin kaya siya nawala. Di pa sapat yung pag-luhod ko sa tapat ng kabaong niya para humingi ng pasensya sa lahat ng nagawa kong kasalanan.

Binalak ko magpakamatay mismo nung araw na yon, akma kong sasaksakin ang sarili ko gamit yung matulis na bagay na nakuha ko ng biglang sumigaw kuya ni KC. “TARANTADO KA BA SEDRIC?! KAYANG-KAYA KONG PATAYIN KA KANINA PALANG NUNG PAG-APAK MO DITO PERO HINDI KO GINAWA KASI NAKI-USAP SI KC SAMIN NA HUWAG NA HUWAG KA NAMIN SASAKTAN. GAGO KA MAHAL NA MAHAL KA NI BUNSO TAPOS BASURA MO KUNG ITURING ANG KAPATID KO. ALAM NAMIN LAHAT SEDRIC PERO DAHIL SA PAKIUSAP NYA HINDI KA NAMIN MAGAWANG GANTIHAN!” Napaluhod ako non, humingi ng tawad sa kanilang lahat at higit sa lahat sa asawa ko, kay KC. Buong araw nandon ako sa tabi niya, di ako naalis. Pinag-darasal ko siya, walang sawa akong humingi ng patawad at sinasabing mahal na mahal ko siya na alam kong hindi ko naiparamdam sa kanya. Hindi natuloy pag-cremate sa kanya dahil pinagbigyan ako ng parents niya na ilibing nalang siya, para kung sakaling dumating yung panahon na mamatay ako, gusto ko kasama ko pa rin yung taong mahal ko. Alam kong darating rin ang araw na makakasama ko ang asawa’t anak ko, patawarin niyo sana ako.

one shot  storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon