"Last Game"
"Ball is Life" iyan ang motto ng boyfriend ko.
Noong nakilala ko sya, hobby na nya talaga yung basketball. Wala namang problema sakin yun. Sa katunayan, sinusuportahan ko pa nga sya eh. One time tinanong ko sya. Kapag pinapili ko sya kung anong pipiliin nya, basketball or ako. Sabe nya both! Nag-isip ako ng scenario, sabi ko sa kanya paano kung one day magkasabay ang game nya sa anniversary namin. Anong pipiliin nya. Ang sagot nya... "Kahit championship pa yan, pipiliin ko pa din ang anniversary natin" After nun, naging okay naman lahat. Nababalance naman nya ang time nya sakin tsaka sa pagbabasketball nya eh.
One time nagsabi sya na manuod daw ako ng game nya. To be honest di pa ako nanonood ng game nya simula nung naging kami. Oo sinusuportahan ko sya pero via phonecall or text lang. Hindi kasi kami legal both families. So ayun na nga, sabi nya gusto nyang manood ako. Gumawa ako ng paraan para lang mapanood yung game nya. Then dumating na yung araw ng game nya! Actually bago kami magkita may konting tampuhan kaya medyo nauuna syang maglakad papunta ng court. Bagong ligo din sya that time. Habang naglalakad kami, umiinom sya ng cobra energy drink. Nung nasa court na kami, umupo agad sya sa bench. Nagpalit na din sya ng jersey nya! Pinahawak nya sakin yung damit na hinubad nya pati towel nya. Okay naman yung game nya. Kaso parang may mali talaga eh. Naririnig ko yung mga sinasabe ng tao na anong nangyayari sa Ace Player nila. Bakit daw nagkakalat! So ako, hinayaan ko na lang. Pinanood ko na lang sya! Dumating na yung 3rd quarter, okay naman na kasi nakahabol sila. Tapos nung nagtime-out na, umupo sya sa bench, then maya-maya, bigla na lang syang nahimatay! So lahat nagpanic. Lalo na ako! Sa sobrang di ko alam gagawin ko natulala na lang ako. Pinaypayan sya ng pinaypayan wala pa din. Even mouth to mouth binigay na din pero ayaw talaga nyang magising. So dahil di na sya magising, sinugod na sya sa hospital! Naiwan ako kasama yung kaibigan nya. Umuwi ako ng bahay kasama best friend ko para sana magpaalam pero hindi ako pinayagan! Sobrang nag aalala na talaga ako nun. Gustong gusto kong pumunta nun pero ayaw talaga ni mama. So ang ginawa ko, nagstay ako sa kwarto. Tinext ko yung best buddy ng boyfriend ko para maki balita! Sabe nya okay naman na daw pero di pa nagigising. So dahil dun, medyo naging okay na pakiramdam ko. Sabe ko bukas na lang ako bibisita ng umaga.
Kinabukasan prepared na ako para puntahan sya! Kinontak ko muna yung bespren nya para sana malaman kung andun pa sya sa hospital. Sabi naman nya oo kaya umalis na ako. Nung pasakay na ako, biglang nagtext yung best buddy nya na wala na nga daw sya 💔 Nung una hindi talaga ako naniwala kase sabi ko baka pina-prank nyo lang ako kaya umuwi na lang ako sa bahay. Pag-uwi ko, ewan ko kung bakit ko binuksan yung account nya. Pagkabukas ko, bumungad sakin yung mga condolences na bati. Bigla na lang pumatak ang luha ko that time. Sobrang sakit kasi that time wala kaming closure na naganap. Sabi ko pa nga pagkatapos sana nung game nya aasarin ko sya, pero wala na pala sya! Ang sakit lang kasing tanggapin na wala na sya! Kaya pala pinilit nya ako manuod ng game nya dahil yun na yung huling nuod ko ng game nya! Pag naaalala ko yung araw na yun, hindi ko maiwasan na hindi umiyak! Kasi nandoon ako mismo nung nangyari yung araw bago sya mawala! Sobrang sakit talagang tanggapin na wala na talaga sya.
BINABASA MO ANG
one shot stories
Short StoryShort story(handa nyo panyo nyo kasi maiiyak kayo. Minsan matatawa