KAKIRIHAN GONE WRONG

14 0 0
                                    

"Kakirihan Gone Wrong"

So ito ang kwento, ano sayo? Char. Ganito kase yon mga mam/ser. Nagising ako sa sobrang lakas ng ulan at kulog. Bale alas dose yon ng tanghali, kanina lang. Edi messy hair pa ang ate nyo. So dahil ayaw ko ng nakikita ko pagharap ko sa salamin, naisipan kong maligo. Wapakels kung sobrang lakas ng ulan, di naman kasi ako kambing tulad ng ate kong balyena. So hinanap ko yung favorite kong towel. Yellowgreen color non e and anlambot. Wala sa kwarto di' malamang sa labas yon sinampay nung katulong naming bungi. Lakad ako palabas para kunin yung towel. Tandaan' ganon pa rin itsura ko ha, messy hair at may muta pa ata ako sa ilong, ewan basta hindi ako natutuwa. Gusto ko kasi lagi akong maganda, helerr Ms. Campus here. HAHAHAHHA

Back to reality, dire-diretcho ako sa labas para kunin yung towel ko ng OMGGGGGG mga bebe may pogi sa labas ng bahay. Si father-in-law ata yung kasama ni pogi kasi medj hawig sila. Napa big eyes ako ng bongga don ha. Nakikisilong sila kasi sobrang lakas nga naman ng ulan yung tipong mapapakanta ka na lang ng 'rain rain go away'.

Convo:
Me: e' pasok po kayo. Naaampiyasan po kayo dyan (hahahhaha para 1 point agad ako kay father-in-law)
Father-in-law: Sige iha. Salamat
Pogi: 😊

Asdfghjkkl gulantang lahat ng buhok ko sa katawan. Hotaaaa nginitian ako ni pogi. After non pumasok na ko kasi naalala kong mukha nga pala akong natokhang sa itsura ko. turn off 101. Dali dali akong naligo kumbaga sa normal na paliligo ko 30 minutes ako sa banyo pero kanina 5 minutes lang mga beks. Isang buhos pak pak tapos! Nagbihis ako ng tshirt na white na may nakasulat na hello para mabasa ni pogi at pedal. Suklay, toothbrush, pabango and syempre olay. Pagharap ko sa salamin mukha na ulit akong beauty queen. Then paglabas ko para sana isampay yung towel ko at makita ni crush tong taglay kong kagandahan, nakita kong papasakay na sya sa motor nila. Medyo tumila na kasi yung ulan.

Convo:
F-I-L: Iha salamat ulit.
Me: Sige po, wala pong ano man (tapos nag bow ako then smile)
Pogi: 😊 (sabay alis ng motor nila)

Waaaaaa. Hutaena. Gusto kong maglulupagi kanina. Nasayang lang yung pagpapaganda ko. Di ko manlang nakuha name ni pogi. Binilisan ko naman ah. Bakit hindi sya nakapag hintay. Bakittttt? Heto ako ngayon, aasang umulan ulit yung tipong bagyo na at makisilong ulit sila dito samen. Hayss.

PS. Di po ako kiriray, slight lang.
PSS. Hanggang ala una ako tumambay don sa labas, umaasang dadaan ulit sila.
PSSS. Ganda po talaga ako, promise. Sabi ng mommy ko ha.
PSSSS. Ms. Campus po talaga ako.

Vote po☺☺☺

one shot  storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon