"Flying Pustiso"
Nagconfess ako dto dahil gusto ko rin kayong mapasaya sa pinag-gagawa ng boyfriend ko at ng pustiso niya. Pagpasensyahan niyo na kung hindi rin ako magaling magkwento.
So here it goes...Siya: Babe sorry nalate ako yung pustiso ko kase lumipad sa bukid kaya hinanap kopa
Me: (nagpipigil ng tawa) Paano naman lumipad yang pustiso mo?
Siya: Kase babe dumura ako habang nagdadrive hindi ko naman inexpect na sasama pala yung pustiso ko sa pagdura ko..
Me: Hahahahaha
At ito pa...
Yung pustiso niya lumipad na naman patungo sa hindi niya malaman kung saan.. Edi itong mokong na to hanap ng hanap, hanggang sa may dumaan na kaibigan niya..
Friend: Pre, tulungan na kita ano ba hinanap mo?
Siya: Hindi na pre, Yung pera ko lang. Kaya kona to, Ako nalang mag hahanap..
Habang nagkwe-kwento siya ako naman tong si tawa ng tawa, paano ba kase kinakabahan daw siya baka yung kaibigan pa niya makahanap sa pustiso niya Hahaha. Ganun talaga yung pustiso niya laging nalipad pero hinuhugasan naman niya ng mainit ng tubig at sinisipilyohan bago niya ulit isuot..Medyo kadiri pero kahit ganun yun mahal na mahal ko parin yun
BINABASA MO ANG
one shot stories
Short StoryShort story(handa nyo panyo nyo kasi maiiyak kayo. Minsan matatawa