KULANG PA BA

17 0 0
                                    

"Kulang Pa Ba?"

I'm JEN. 18 years old. And Single mom ako. Yes! I have a son, and he is turning to 2 yrs old. Paano ba kami nagkakilala ng daddy ng baby ko? Siya lang naman yung naging boyfriend ko. Schoolmate kame at classmate. Tumagal yung relasyon namin ng 4years. Sa naaalala ko, 16 yrs old ako nung nabuntis niya ko, turning to 17 to be exact. Sobrang natakot ako, kasi bread winner ako. Ako yung panganay eh. Tapos broken family pa kami. Achiever ako sa school namen nung high school. Nung elementary naman, honor student ako. Syempre lahat ng expectations na sakin. Sobrang na-pressure ako. Yung family ko naman di masyadong mahigpit. Inallow nila kong magboyfriend, kaht bata pa ko. "Puppy love" lang naman, ika nga nila. Akala ko nga ganun lang, na hndi kami tatagal. Pero umabot ng ilang taon yung relasyon namin ni Jomar. So ayun na nga, dahil mahal na mahal ko siya. Nagtiwala ako sa kanya, kaya pati yung pinagkaingat-ingatan­ ko ipinagkatiwala ko sa kanya. Siya yung first ko mga besh. Ang sakit pala talaga. Pero hndi yun yung time na nakabuo kame. Nung 3rd try namin, dun namin nabuo si Baby. Hindi ko yun inaasahan. Kasi alam ni Jomar na madami pa kong pangarap sa buhay. Para sa sarili ko, sa family ko at sa kanya. Sinabi ko yun sa kanya, umiiyak ako. Hndi ko kasi alam ang gagawin ko. Natatakot ako na magalit sakin ang family ko, na husgahan ako ng mga tao. At natatakot din ako na baka hindi niya ko panagutan. Oo, naisipan ko na magpalaglag. Siguro naman lahat ng dumanas sa gantong sitwasyon naisipan yun. Pero nakonsensya ko, at isa pa hindi naman to kasalanan ng baby. Karapatan niyang masilayan ang mundo. Sinabi din ni Jomar na "HINDI NIYA KO IIWAN AT PAPANAGUTAN NIYA KO". Sa sinabi niyang yun, kumalma ko. Kampante ako na papanagutan niya kami ng magiging anak namin. Sinabi niya yun sa side nya at sa side ko. Hindi natanggap nila Mama yung nangyare. Sobrang na-disappoint sila sakin. Muntik na kong palayasin, pero hindi din natuloy. Ramdam ko yung galit pero mas ramdam ko yung pagtanggap nila sakin at pagmamahal nila. Nakagraduate ako ng high school na buntis ako. After ng graduation, pinasok ako ni Mama sa trabaho. Nagtrabaho ako bilang tindera. Lahat ng kinikita ko dun, iniipon ko para sa baby ko. Si Jomar naman, naghahanap pa din ng trabaho. Naiintindhan ko na mahihirapan siyang makahanap ng stable na work dahil high school lang ang natapos namen. Sa lahat ng gastos sa pagbubuntis ko, AKO ang nagpo-provide. Sa checkup, bili ng gamot, gamit ni baby at pagpapanganak ko. AKO yung gumastos. Ang hirap nun para sakin, dahil babae ako. Dapat yung partner ko yung kumikilos at nagpoprovide ng needs namin ng anak ko. Pero bakit ako? Kahit na nahihirapan ako, inintindi ko pa din. After 2 months nung nanganak ako. Bumalik ako ulit sa trabaho ko. Si Jomar, wala pa ding trabaho. Hndi ako nakisama sa kanya, dun ako sa Mama ko tumutuloy. Pero maayos pa din ang relasyon namin. Month of December, sinabi niya sakin na nakahanap na siya ng trabaho. Ang kailangan lang daw e mga requirements. Kaya humingi siya sakin ng pera para maayos nya yun. Ako naman, nagbigay ako. Kasi katwiran ko para sa anak namin yun eh. At kami lang naman dalawa ang magtutulungan. Sa awa ng Diyos, nagstart na siya ng work nung kalagitnaan ng January. Hindi ko ugaling nagtatanung ng sahod or what? Basta tungkol sa pera. Hindi. Naghihintay lang ako na siya mismo ang mag-inform sakin na may sahod na siya, at matutulungan na niya ko sa gastusin namen sa baby. Pero sumapit na ang February wala pa din. Nagagalit na yung side ko. Bakit daw parang ako pa din ang tumutustos sa needs ng anak namin. Ako naman, panay reason lang. Baka na-delay lang ang sahod chuchu. Sabe ko din na may pera pa naman ako, kaya GO lang. Na-ospital yung baby namen. 1 week din sya sa ospital. Yung bills at gamot, SAGOT ko pa din. Wala pa din daw siyang sahod! Pero nakabili siya ng gatas at hygiene ni baby. Ok lang yun sakin, katwiran ko. Atleast may naibigay siya. Nakuntento ako dun. Hindi nako naghanap ng sahod or what. Pagkalabas namin sa ospital, nagwork ulit ako. Kinabukasan napadaan siya sa tindahan. May dalang box ng cellphone. Masaya niyang sinalubong sakin na nanalo daw siya sa RAFFLE sa trabaho niya. Ayos daw yun dahil may pamalit na siya sa luma nyang phone. Ako, naka-ngiti lang pero nagdududa na. Hindi pa din siya nagbibigay ng sahod. Ako pa din ang gumagastos para sa anak namin. Naka-hold daw kasi yung sahod niya. Nagkamali daw kasi yung Manager niya tungkol daw sa sahod thingy. Inintindi ko pa din siya, pero malakas na yung pakiramdam ko na parang may mali.

Nagkaroon ng time na nagamit ko yung phone niya. Never akong nagkalikot ng message sa fb or sms dahil hindi ko yun ugali. Pero that time, binuksan ko messenger niya. Nagulat ako dahil may 3 babae siyang ka-chat. Yung unang babae, nakatira sa ibang bansa. Nagpapasa sa kanya ng mga pictures at palagi silang magka-videocall. Yung pangalawa naman, katrabaho niya. Same store, at ka-Iloveyou-han niya. At yung pangatlo naman, nakaka-date niya. Dun ko din nalaman na BINILI PALA NIYA YUNG CELLPHONE na gamit niya. Ang sakit lang mga bes! Kasi bakit ganun. Bakit ngayon nya pa yun ginawa sakin. Kung kailan may anak na kami. Kinausap ko siya tungkol dun, pero dineny niya. Hiniram ko muna yung phone niya, nabasa ko sa SMS na tinext niya yung manager nila para lusutan yung tungkol sa phone. Kinukuntsaba niya yung manager na sabihen sakin na hndi niya binili yung phone. Ang kapal ng pes diba? Nung pinahram nya sakin yung phone. I call his manager, at nakipagkita ako. Kinausap ko yung manager niya, at nalaman ko na kasinungalingan lang ang lahat ng reason nya sakin. Binili nya yung phone at regular na sumasahod siya. Mangiyakngiyak ako that time. Kasi hindi ko matanggap na ginago nya ko at nagsinungaling siya. Kaya pala siya nagtatrabaho para sa mga luho niya. Para ma-enjoy nya yung kita niya at mag-feeling binata. Sobrang durog na durog ako. Iniisip ko kung saan ako nagkulang. Bakit niya ginawa yun sakin. Nasan na yung pangako niya sakin. After kong makipag-usap sa Manager nya, nakipaghiwalay na ko sa kanya. Sobrang sakit, pero kailangan. Hindi naman kasi ako kasali sa GOMBURZA para magpaka-Martir sa kanya. Hindi niya deserve na ipaglaban dahil wala siyang kwenta. Napaka-unfair lang kasi, lahat naman ginawa ko pero bakit ganto yung ginawa nya sakin. Minahal ko naman siya, naging responsable naman akong ina sa anak namin. Pero bakit niya ko niloko.

Ngayon nasa akin ang anak namin, 1 taon na kaming hiwalay. Hindi ako pumapayag na ipakita sa kanya ang anak ko. Papatunayan ko sa kanya na KAYA KO KAHIT WALA SIYA. Kung tutuusin naman talaga kaya ko kasi nung umpisa pa lang ako na umako ng lahat. Nagpapasalamat din ako sa pamilya ko dahil hindi nila kame pinabayaan at pinagaral nila ako. Incoming 2nd year college taking the course of BSBA MARKETING. Isasampal ko sa EX ko yung diploma ko kapag naka-GRADUATE ako. Charot!

PS. Sana ma-post ito Admin. Gusto ko lang na maishare sa iba yung story ko at sana may aral kayo na mapulot kung meron man. God bless.

Vote po☺☺☺

one shot  storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon