Chapter 7 - Serandaya

26 4 0
                                    

Chapter 7 - Serandaya

Parang ulan na bumubuhos sa kalupaan, parang bukang liwayway na gustong sakupin ang liwanag ng kalangitan at parang dagat na yumayakap sa buhangin, gusto kong magkaroon ng halaga. I want to have a purpose in life. Before its too late.
-Madame LHM.

---

Serandaya

"Miss Shereen?" Tawag sa'kin ng lalaki sa counter habang hawak ang kaping in-order ko ilang minuto nang nakalipas.

"Thank you." I said nang tanggapin ko ang kape mula rito. The guy look at me wearing a boyish smile. Regular na ako sa lugar na ito at ngayon ko lamang siya napansin rito.

"You're new here?" I asked also smiling back at him.

"Y-yes ma'am. I-it's actually my first day here ma'am." Nauutal na sagot naman nito. Bakas sa kanyang mukha ang gulat dahil pinansin ko ito.

"Oh I see. I'm a regular customer here. Nanibago lang ako sa'yo." I said at sandaling sumandal sa tabi ng counter.

"Woah!" He said shocked na ikinakurap ng aking mata.

"A-ang galing niyo pong magsalita ng Filipino! Hindi po halata! With your jet blue hair, paper white skin, pointy nose and blue eyes, di ko po akalaing marunong kayo. I-I mean kunti lang po kasing foreigner ang naririnig kong magaling magsalita ng tagalog. Yong hindi bumabaluktot ang dila!" Dagdag pa nito na napahawak sa kanyang bibig. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya pero hindi na ito bago sa akin.

"Pinag-aralan ko ito ng maayos. Isa pa, may dugo akong Pinoy." I just said para hindi na ito masyadong mabigla. It's a lie of course. I am not from this world. But I have learned to blend in. An important fact to survive from a totally different world.

"Hindi po ba kayo artista? O Cosplayer? Ang ganda niyo po kasi eh." Natawa na lang ako sa mga sinabi niya habang umiiling.

I've been in to many places and I've learned many cultures, religion and languages in this mortal world. Sa lahat ng nakasalamuha ko ay pare-pareho nilang sinasabi na mukha daw akong foreigner or my look always seems unique among others. But this is how a Karsañan looks like.

Maging ako din naman ay nagulat noong unang apak ko sa mundong ito. Hindi ako makapaniwala na maliban sa mundo namin ay mayroon din palang ganitong mundo ang nabubuhay. May mga teorya ding ganito sa mundo namin, na tayo ay hindi nagiisa sa kalawakan. Pero kagaya nga ng sabi nila, to see is to believe and now, here I am. Existing in a world where I thought it never exist.

Akala din nila nagpapakulay ako ng buhok dahil sa bughaw nitong kulay. Pero ito ang natural kong buhok. Ang kulay ng buhok ay isa sa simbolo ng tribong pinanggalingan ko sa mundo namin. Kung nagpakulay man ako ng buhok, madalas ay itim o di kaya ay golden brown, para baguhin ang aking katauhan. Iyon kasi ang mga normal at natural na kulay ng buhok dito sa mundong ito.

Which reminds me, kailangan ko na namang kulayan ito dahil sa panibagong trabaho na napasukan ko.

Halos may pagkakapareho ang mundong ito sa Karsaña. Ang kaso, mas malaki at malawak ang mundong ito at unti-unti na ding natatakpan ng mga naglalakihang gusali ang natural na ganda ng kalikasan nito.

Naging saksi rin ako sa ilang mga digmaang naganap rito at kung paano ito naging mapayapa muli. Walang pinagkaiba sa mundo namin, ang kaso wala nga lang kakaibang abilidad ang mga tao rito.

May mga iilan akong nakita at nakilala pero hindi pa ito umabot sa isang pursyentong lakas kumpara sa kakayahan ng isang ordinaryong Karsañan. Isa pa, iba ang takbo ng oras dito. Masyadong mabilis. Sa tantya ko'y ang isang taon ko sa mundo namin ay isang daang taon sa mundong ito kaya hindi nakapagtataka para sa akin na mas mabilis tumanda ang mga tao rito.

Too Bad to FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon