Chapter 2 - Cold Thrill

28 4 0
                                    

Chapter 2 - Cold Thrill

It is hard to negotiate with destiny; it gives thrilling tricks that can manipulate you to be against into something

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It is hard to negotiate with destiny; it gives thrilling tricks that can manipulate you to be against into something. For her, destiny is some old folk's belief, and for him, destiny is either a challenge or a choice to surpass. Other soul believes and depends on the decisions of destiny, and some are against with it but plays with its games.
-Madame LHM.

---

Naalimpongatan ako sa bulongan ng dalawang taong tila nag uusap di kalayoan sa kinahihigaan ko. Oo, tama, nakahiga ako sa isang puting silid. Nagmasid ako sa paligid at naging maliwanag saakin ang lahat na nasa school clinic pala ako. Ano bang nangyari? Bakit ako nandito? Hindi ko na rin matandaan anong nangyari saakin bago pa man ako napunta rito. Ang naalala ko lang ay dapat nasa hell office ako supposed to be ngayon.

"Gaano ba katagal bago bumalik sakanya ang lahat?" sabi ng boses ng isang babae. Mas nagiging klaro sa pandinig ko ang bulongan nila ngayong tuloyan na akong nagising.

"Ang sabi ng mga gabay ay pinaka matagal na ang apat na raang araw." Sagot naman ng isa pang babae na mas pamilyar saakin ang boses.

Umupo ako sa kinahihigaan ko at sumilip sa pagitan ng dalawang kurtinang humahati sa loob ng clinic. Si Ms. Soriano pala ang nagsasalita at ang kausap niya ay ang nurse clinic namin. Pareho silang dalaga at halos magkaparehas rin ng edad. Isa rin sa werdong bagay sa paaralang ito ay parang ang babata tingnan ng ibang namamahala rito kaysa sa mga nagtuturo rito.

Nagpatuloy lang ako sa pakikinig at tila hindi nila napansin na gising na ako. Eavesdropping is bad but can't help it. Nasa lahi ko na nga siguro ang pagiging tsismosa.

"400 days? Hindi ba't mag iisang taon na siya dito?" sagot ni Ms. Soriano. Teka, ako ba pinag uusapan nila? Mag iisang taon pa lang din kasi ako sa school na ito eh. I'm a transferee student and I belong to the juniors.

"Oo, at kung tama ako, mahigit sa 360 araw na siya rito. Hindi na ako mabibigla kung madalas na siyang makakaranas ng ganito simula sa araw na to. I think she's already having it. Maaaring dumadaan ito sa mga panaginip niya and according to my sources, mas masakit na proseso ang flashbacks." Mahabang salaysay ng nurse clinic ng school. Teka, ano bang mayron sa 400 days at 360 days? Masyado siguro akong assuming kung ako yong pinag uusapan nila dahil hindi ko talaga sila maintindihan.

Tumigil na ako sa pagsilip sakanila. Nababagot na akong maupo kaya naisipan ko nalang ang tumayo. I have to get the hell out of here. Siguradong hinahanap na ako sa bahay. Nakita ko ang bukas na pintoan ng clinic, madilim na pala sa labas. Ilang oras na ba akong nakatulog dito? Kung tumakas nalang kaya ako?

I smile and find this situation an advantage dahil natakasan ko ang ano mang karumaldumal at nakakatamad na kaparusahan na iuutos saakin kung natuloy ako kanina sa disciplinarian office.

Hinay hinay kong sinuot ang sapatos ko at baka marinig pa ako nung dalawang nag uusap sa likod ng kurtinang ito.

Kung siniswerte ka nga naman ay nakita ko ang cellphone kong nakapatong sa mesang di kalayoan saakin. Agad ko itong kinuha at pagbukas ko ng lock nito ay agad tumambad saakin ang sampong missed calls ni mama. Napapanganga ako sa sobrang gulat. Paniguradong beast mode na siya sa mga oras na to.

Too Bad to FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon