Chapter 1 - The Unseen Memory

52 7 4
                                    

Chapter 1 – The Unseen Memory

Chapter 1 – The Unseen Memory

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

We are created unfair. Every soul has its own path to take. Some wants to drag you down in order for them to go to the top. Some will pull you up and together you will reach each other's goal. You may be both facing different trials but you do have the same beats of desire to go for the success of your dreams. But in this world, there are created to face an extraordinary destiny. - Madame LHM.

---

"Amanda..." the whisper is there again. Ngayon ay boses naman ng isang babae.

"Amanda... Sir Mills is coming..." sino nanaman ba tong Sir Mills? Sabi ko sa sarili ko habang nakapikit pa rin ang mga mata ko.

"Amanda!! Gising!!" isang napakalakas na sigaw ang tuloyang nagpagising saakin dahilan para ako'y ma out of balance saaking kinauupuan at malaglag sa isang matigas at malamig na sahig ng classroom. Napamulat ako ng tuloyan at nadama ang sakit ng pagkakahulog.

"Sh*ts!!" Nakatulog ba ako? Ang sakit ng likod ko kasama na ang puwitan ko. Shemay lang!! Naririning ko ang malakas na tawanan ng mga kaklase ko. Binigyan ko lamang sila ng isang nakakamatay na tingin ngunit di pa rin sila matahimik sa kakatawa. Kaasar!!

'Maubo sana kayo at malaglag mga ngipin niyo!! mga traydor!!' Sabi ko sa isip-isip ko. Si Chelsea naman na seatmate ko na sa tingin ko ay ang gumising sakin ay ngingiti ngiti lang sa tabi. Curse you people.

Ang galing lang ng timing, pag angat ng ulo ko ay bumungad saakin ang pagmumukha ni Mr. Mills, our Arithmetic Instructor. He's looking down at me with his signature angry bird face. I Give him a sweet smile but his face was harder than stone. Mukhang alam ko na ang patutungohan nito.

How I wish I did not wake up from that weird dream..

"Sleeping in my class again Ms. Amanda Perez? You're going to the disciplinarian office after class." Seryoso niyang sabi at tinalikuran na ako. Tumahimik naman ang buong klase at bumalik ang iba sa kunwari nilang pagsusulat. If I know hindi lang ako ang mag isang inaantok pag si Sir ang instructor.

"But sir, its just---" akmang magrereklamo sana ako ng bigla siyang lumingon ulit saakin.

"Its just what Ms. Perez? It's just sleeping? Try to talk in front of the classroom next time then we're all going to sleep while your discussion is going on. We'll see how you're going to feel and react about that." Parang napa- 'Ooohhh' yong mga kaklase ko sa sinabi ni Sir na tila nangaasar pa ang mga ito.. His really pissed...

"hehe, sabi ko nga sir, pupunta po ako ng disciplinarian office mamaya." Ngumiti ako ng pagka tamis tamis ngunit wa epek pa rin.

"Very good." Seryoso pa rin ang kanyang mukha. Tumalikod na siya at kinuha ang mga gamit niya sa mesa tsaka nag tuloy tuloy nang lumabas ng classroom. Muling umingay ang classroom at bumalik ang lahat sa kanya kanyang ginagawa na parang walang nangyari.

Too Bad to FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon