GRACIE..
First day ko sa Maynila ngayon at di ko mapigilan ang bibig kong ngumanga sa pagkamangha! Ganito pala talaga dito, maraming sasakyan, may tao kahit saan, ang lalaki ng mga buildings at parang ang saya-saya. Di katulad sa amin sa CDO na panay puno at gubat, tanging maririnig mo lang ay mga ibon, tuko at tipaklong sa sobrang tahimik. Malayo pa ang bayan mula sa amin. Di ganito karami ang tao at madalang ang sasakyan na madaan banda saamin. Ang mga tao dito mga mukhang sosyal, ampuputi karamihan at may mga nakaLV pa na bag o, samantalang samin bayong lang ang bitbit.
Ano ba yan parang ignorante lang akong nakaapak sa ibang mundo. Nakikita ko na naman ang itsura ng Maynila sa google at libro pero ibang-iba pala pag nakita mo ng personal, para akong nangibang-bansa hahaha! Naeexcite na ako sa mga gagawin ko dito! Gusto ko nang lumibot! Sayang at di ko kasama si Mamang at Papang para ipasyal dito. Pag nagkapera talaga ako, dadalhin ko sila dito.
Pumara ako ng taxi dito sa NAIA para tumungo sa boarding house na titirhan ko. Pagmamay-ari ng tiyahin ko yun, kaso di kami masyadong close at ngayon ko palang siya makikita ng personal dahil matagal na siyang di bumisita sa amin sa Cagayan de Oro.
"Kuya, alam mo yung Quezon City?"
"Oo naman" natawa siya ng onti "San ka dun ma'am?"
Pumasok na ako sa loob ng taxi bitbit ang isang maleta ko at isang malaking bag. "Kuya ang address po ay #22, Sta. Ana St., Bgy. Pinagbuhatan, Quezon City"
"Okay po."
Ang galing naman niya, ang lawak ng Maynila pero parang kabisa niya lahat, alam niya agad kung saan yun. Sana di malaki ang babayaran ko dito sa taxi. Nakapangutang lang sila Mamang kay Ka-Roger ng 8k para sa apat na buwan kong paninirahan dito sa Maynila. Halos sakto lang yun dahil P1,500 ang rent ko kay tita Luz every month plus pagkain ko pa. Meron naman ako matatanggap na allowance sa ABS BBN na pagoojt-han ko, sabi nila 2k daw every month so sakto lang siguro yun para sa pamasahe ko at iba pang kailangan dahil sabi daw ni tita Luz malapit nalang naman ang abs, isang jeep lang daw mula sakanila. Nahihiya nga ako sa mga magulang ko dahil kahit kapos din kami sa pera, talagang ginagawan nila ng paraan lahat ng pangangailangan ko. Buti nalang scholar ako sa University namin kaya wala sila gaano problema sa mga babayarin sa school.
Naeexcite si Mamang kasi siya nagpush sakin mag ojt dun gawa ng marami daw artista, eh di naman ako nanonood ng TV kasi tutok ako sa pag-aaral. Mga reporter lang ang kilala ko kaya dun ako nagapply sa broadcasting section. Buti nalang meron na silang online application para din sa mga ojt students. Tuwang-tuwa nga sila Mamang at Papang nung nakapasa ako, sabi nila pag-uwi ko daw magdala daw ako ng artista. Para namang posible yun eh baka di ko nga makausap yung mga yun, saka wala nga akong hilig sa artista eh. Baka sila pa iisnob ko wuhaha! Sabihin ko "who u?" Di ko naman talaga sila kilala e hahaha!
Nakatingin lang ako sa bintana ng sasakyan, binaba ko ng onti ang bintana kasi para bang masusuka ako. Di ako sanay sa kotse, panay sikad (tricycle) lang at jeep ang nasasakyan ko. Ganito pala talaga dito, ang daming mapapasyalan na mall at kainan kahit saan. Halos wala akong makitang puno, panay establishments lang. Pero ang traffic nga lang dito, di katulad sa probinsya na di-hamak na mas mabilis ang byahe kapag tutungo sa Bayan. Di pa kami nakakalayo ng NAIA pero 30 mins. na ang lumipas sa sobrang traffic.
Maya-maya pa ay ginising ako ng driver. Di ko alam na nakatulog na pala ako. Nandito na kami sa apartment ni tita. Bumaba na ako ng taxi nang biglang tawagin ako ni kuya driver mula sa bintana.
BINABASA MO ANG
Lucky Gracie Got Preggy
RomantikA probinsyanang kolehiyala makes her way to Manila for the first time to have her on the job training in a popular tv station. Unfortunately, a snatcher has taken away all the money kept inside her bag. How can she stay longer in Manila if she doesn...