CHAPTER 3

19 2 14
                                    

GRACIE..

Aba'y male-late na ako! Punyemas!

Binilisan ko ang paglakad papasok sa malaking building ng ABS. Kailangan pa ng ID at ng confirmation mula kay Ms. Natchie na ojt ako bago ako pinapasok ng mga guards. Mahigpit pala sobra dito.

Sa loob ay maraming pasikot-sikot. Nagtanong ako sa guard kung saan ang broadcasting department at nung makita ko ay namangha ako dahil bumungad sa bintana si Morina Sanchez na naglilive broadcast. Nastarstruck ako!! Shet. Ganda pala niya..

"You are Gracie Gonzalez?"
Napahinto ako sa pagkatunganga nang marinig kong may tumawag sakin.

"Umm opo opo!"
Wait, ang nakalagay sa ID niya Nathaniela Corpuz. Sino siya? Bakit niya ako kilala?

"Hi, I'm Natchie. Come, go inside."

"Ayyy kayo po pala si Ms. Natchie! Hello po!"

Ngumiti lang siya at pinatuloy ako sa malawak na opisina nila. Naaamaze parin ako, ganito pala sa ABS BBN. Woahhh...

"So Gracie, meet Paul, Jade and Yasmin. They are also ojt students in this department. Fortunately, ikaw lang ang naapproved na tiga province so congrats! I hope you all will enjoy your stay here."

Ngiting-ngiti ako at sobrang bilis ng puso ko sa excitement sa kung ano man ang ipapagawa samin!!

"I just want to let you all know na di kayo mahihirapan dito. All you will have to do is just print papers, make coffee, assist everyone, that's just it. Basta do whatever is asked for you to do. Well, we cannot give you heavy tasks like ask you to brainstorm for our headlines etc., but para matuto kayo, we can let you join the team whenever we do brainstorming so that you can observe and learn how to do it from us. Is that okay?"

"Yes po!!" Ako'y medyo nahiya nung ako lang ang sumagot ng malakas. Yung iba kong kasama tumango lang.

"Okay, good. Ito si Charlie, he's one of the brains of this department. He will be the one to guide you all. Sumunod kayo sa mga utos niya."

Tango ako ng tango na para bang yung statwang aso sa taxi kahapon na tango ng tango ang ulo.

"For your allowance, we'll give you 500 every weekend, so that's 2000 pesos a month. Your break time is from 12pm to 1:30pm. You should go back on time sa office after break. From now on, we will be strict regarding your attendance. You all need to come here by 8am sharp then go home at 10pm. Is that clear?"

"Opo!!" And again, ako lang yung sobrang enthusiastic na sumagot. Ano ba 'tong mga ka-ojt ko parang mga dead kid.

"Okay, iiwan ko muna kayo."
Nakangiting sabi ni Ms. Natchie. Mukha siyang mabait. Yung itsura niya, mapayat na morena, at elegante magdamit. Mga nasa 30 na siguro siya.  Mukhang malayo ang edad niya samin, halata sa kilos at salita niya.

"Hi I'm Charlie Tehano. And you are?"

"Gracie po!"
"I'm Jade."
"Call me Paul."
"Yasmin.."

"Okay, sige. Paul and Yasmin, kunin niyo yung papers dito sa table na 'to and give me ten copies of all those. Ikaw naman Jade, can you please call this number? Sabihin mo na pinapasabi ni Sir Charlie of DZMMM na kailangan na yung report before 6pm. Ikaw Gracie, kindly make some coffee for Ms. Morina. Pasok ka lang don sa loob ng room niya pag break niya na. Pag tapos na kayo, balik kayo sakin."

Lucky Gracie Got PreggyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon