CHAPTER 5

8 1 13
                                    

GRACIE..

Nag-aayos kami ni Yasmin ng mga tambak na papers sa desk nila Sir Charlie. Meron din mga ginagawa sila Jade at Paul.

Hindi ko alam bakit laging nakatingin si Ms. Natchie sakin mula sa malayo. Siguro inoobserve niya kami, pero bakit parang sakin lang siya nakatingin? Baka di parin ako lusot dun sa natapon na kape?.. Baka nagcomplain si Ms. Morina kay Ms. Natchie kaya nakatitig siya sakin ngayon?.. Baka paranoid lang ako?..
Magpapanggap na nga lang ako na di ko siya napapansin..

Binitbit ko yung mga ni-compile ko na papers para ikeep sa drawer.

"Oooops! Sorry.."
Nabunggo ako ni Yasmin at sumabog lahat ng bitbit ko sa sahig. Putek... Ioorganize ko nanaman ito lahat isa-isa!! Nakakaasar!!

Di ko alam kung sinasadya niya o ano eh! Akala ko tutulungan niya akong kunin yung mga papel pero dumire-diretso lang siya at inapakan pa yung mga papel sa sahig. Buang talaga! Kung pwede lang patulan to eh. Kaso ayoko lang mag iskandalo dito!!

Haaaayy.. Nakakainis talaga.. Binubully nila ako porke hindi ako tiga Maynila... Porke mayaman sila akala na agad nila kung sino sila!

Habang inaayos ko ang mga papel na nahulog sa sahig, nagulat ako ng may mga kamay na nakidampot kasama ko. Paglingon ko ay nakita ko si Ms. Natchie na nakaluhod sa sahig habang tinutulungan ako.

"Nako, Ms. Natchie ako na po! Tumayo na po kayo diyan, hayaan niyo na po na ako na ang magligpit ng mga ito!!"

"Sus, wala 'to.."

"Ako na po! Nakakahiya. Ang ganda pa ng suot niyo tapos lumuluhod kayo sa sahig!"

"It's okay, it's okay!"
Hinayaan ko nalang siya na tulungan ako. Ang bait talaga niya, para bang hindi mas nakakataas ang pakitungo niya. Parang empleyado lang din siya na kasing level namin.

"Gracie"

"Ano po yun Ms. Natchie? May ipapagawa po ba kayo?"

"Hindi. Alam mo, I like you! Ang gaan ng loob ko sayo nung una palang kita nakita. I feel that you are a good person."

"Ayy thank you po.. Haha!"
Nahihiya ako na naooverwhelm sa sinabi niya. Haaay salamat naman at narinig ko ang mga salita na yun mula sakanya. Akala ko di pa ako lusot sa nagawa ko kahapon kaya niya ako pinagmamasdan kanina pa.

"I want to know you better. I have a proposal to make, but I'll tell you about it soon. Would you mind if I ask you to join me for lunch?"

"Ayy sure po! Sige po Ms. Natchie!"
Napaisip akong bigla kung anong proposal yun..

Nang dumating ang break time ay niyaya ako ni Ms. Natchie sa cafeteria. Nagtitinginan saamin yung iba kong mga ka-ojt. Siguro naiintriga sila kung bakit ako sinamahan ni Ms. Natchie kumain. Kahit ako naiintriga din eh. Bakit parang all of a sudden parang sobrang close na namin? Nilibre niya pa ako ng food. Ang bait niya naman talaga.

"So, tell me about yourself."

"Po?"

"I want to know you better Gracie"

"Umm.. Hehe! I'm an only child po. Umm.. Pagsasaka po ang kinabubuhay namin sa Probinsya. Scholar po ako sa San Juan University."

"Ohhh that's nice! I can tell you are a smart girl. Ang taas ng score mo sa test eh."

"Hehehe!.." Naooverwhelm nanaman ako

Lucky Gracie Got PreggyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon