35

42 5 0
                                    

Scarlet.

Nagising ako sa ingay ng alarm ko. Naalala kong kailangan ko palang maghanda ngayon para formally na makausap sila mom. Gusto ko silang kausapin ng maayos about sa pag-alis ko papuntang Pilipinas.

Habang nagsispilyo ako, napansin kong medyo maga padin 'yung mata ko. Napabuntong hininga nalang ako.

Nagprepare ako ng sariling breakfast. Syempre, ako lang namang mag-isa dito eh. Kumuha na din ako ng choco chips na nasa ref.

Matapos kong kumain ay naligo na ako at nagsipilyo uli. Nagbihis na din ako pagkatapos maligo. Nagsuot lang ako ng jeans topped with baby pink na blouse at nagdala ng sweater. Malamig eh.

Habang naglalakad ako papunta sa kotse ko, halos hindi na ako mapakali sa nararamdaman ko. Parang...Parang may nagmamasid nanaman?

I scanned the whole area. Pero wala naman akong napansin na hindi kanais-nais. What the hell?

Pumasok na ako ng kotse ko at huminga ng malalim. Dala lang siguro 'to ng kaba. Oo, tama. Kinakabahan lang ako sa gagawin kong pakikipag-usap sa kanila.

Nang makarating ako sa tinutuluyan nila mom ngayon, bumaba na ako. Nag doorbell ako.

Ngayon, wala kaming hired maids or guards. Wala kaming pinagkakatiwalaan unless kauri namin—Pilipino din siyempre. Mahirap na. Bumungad sa'kin si Manang Lena. Niyakap ko muna siya bago ako nagtanong kung nasaan sila mom.

"Iha, gusto mo ba ng makakain? Juice?" umiling nalang ako at ngumiti ng bahagya.

"Manang, kung sakali bang magpaalam ako sayo ngayon, papayagan mo ba akong umalis?" bigla namang napawi 'yung ngiti niya.

"Scarlet anak, bakit naman?"

Ngumiti nalang ako, "Wala po. Basta manang, wish me luck. Hehe." sabi ko nalang at pumunta na kung nasaan sila mom ngayon. Nasa dining area sila. Ngayon lang yata magb-breakfast. Mamaya pa alis nila kayw tingin ko kagigising lang nila para bumawi ng lakas galing sa trip nila kahapon.

As I entered the dining area, bumungad sa'kin ang nagtatawanang sila Mom, Dad at—oh what the heck, may lalaki silang kasama na halos 'sing edad ko lang.

"Ang saya saya talaga't nakilala ka namin dito, Red. Nga pala, sinong kasama mo dito?" tanong ni mom dun. Wow, mukhang hindi nila ako napapansin. Sabagay, ang lawak kasi ng kainan dito. Tch.

"I'm alone, tita. 'Yung parents ko po nasa Pilipinas. Pinadala lang po nila ako dito para dito mag aral. Pero babalik din po ako doon sooner—"

I gasped. PILIPINAS?!

Tumikhim ako, napatingin sila sa'kin. Mom smiled while dad looked at me with confused look asking why am I here.

"Take a seat dear. By the way this is Red Gomez. Nakilala namin kanina kasi I'm so clumsy as ever, tinulungan ako doon sa labas." good mood si mom.

Ngumiti naman ako at nag-abot ng kamay. "Hi, I'm Scarlet. Nice to meet you." Since hindi ako pinakilala ng nanay ko eh aba, ako nalang. Inabot niya naman 'yung kamay ko.

"Nice to meet you, too." may pagka-firm 'yung hawak niya sa kamay ko pero hindi ko ito pinansin. Boys, tch.

"Anyway anak, what brings you here?"

"Mom. About yesterday.." natigilan sila ni dad at nagkatinginan.

I sighed. "Please?" I begged.

Napahawak si dad sa noo niya na para bang pinag-iisipang mabuti. Si mom naman ay hindi mapakali sa sasabihin.

"Mom? Dad?" I asked.

Dad let out a deep sigh before talking.

"Fine. But you need to stay with Red."

"WHAT?!"

Scarlet {on-going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon